Wedding coordinator, ipina-Tulfo na ng naagrabiyadong couple
- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang viral na eksena kung saan walang reception ang bagong kasal dahil sa kanilang wedding coordinator
- Sa salaysay ng bride, maayos ang itinakbo ng kasal subalit nang pumunta sila sa venue ng reception, wala silang nadatnang pagkain at lugar para sa kanila
- Nabayaran na umano ng couple ang Php65,000 ang kabuuang halaga ng reception na hindi manlang nai-down sa venue at pagkain
- Mahaharap sa kasong estafa ang wedding coordinator na hawak na umano ng awtoridad
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo na 'Idol in Action' ang bride na si Cherry Pie Purisima matapos na umano'y ma-scam ng kanilang wedding coordinator na si Naser Fuentes.
Nalaman ng KAMI na kamakailan lamang ay nag-viral ang video kung saan makikitang umiiyak ang bride dahil wala itong nadatnang wedding reception.
Sa salaysay ni Cherry Pie kay Tulfo, ikinuwento nitong nabayaran na nila ang buong Php65,000 para sa wedding reception.
Nai-book naman umano ang naturang venue ngunit hindi ito nakumpirma dahil hindi ibinigay ni Naser ang reservation fee na Php5,000
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nang magpaalam daw kasi ang wedding coordinator na bibili lamang ng wine, hindi na nila ito nakontak kahit makailang beses pa nila itong tawagan.
Ayon kay Atty. Sam Ferrer ng ACT-CIS, maaring maharap sa kasong estafa si Naser dahil sa nagawa nito sa newlyweds.
Sa panahong dumulog sina Cherry Pie kay Tulfo, nagtatago pa raw noon si Naser.
Subalit nito lamang Setyembre 23, nadakip din ito ng awtoridad.
Narito ang kabuuan ng salaysay ng bride mula sa Raffy Tulfo in Action:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga respetadong broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Ipinapaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa paghahayag ng kani-kanilang komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh