Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, idinetalye ang naganap sa kanilang engagement

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, idinetalye ang naganap sa kanilang engagement

- Ibinahagi nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang naganap sa simpleng wedding proposal

- Dahil sa 'maselan' ang lagay ngayon ni Jennylyn na nagdadalang-tao sa anak nila ni Dennis, sa bahay nila naganap ang engagement

- Ginawa pa rin itong espesyal ng aktor at hindi naman naiwasang maging emosyonal ng aktres

- Matatandaang una nang napabalitang nagdadalang-tao si Jennylyn dahil sa hindi nito pagtuloy sa taping ng 'Love, Die, Repeat'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang kinumpirma nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na finally ay engaged na sila.

Nalaman ng KAMI na inanunsyo nila ito sa publiko sa 24 Oras kung saan kinumpirma rin ng dalawa ang pagbubuntis ni Jennylyn.

Ilang minuto matapos ang interview sa kanila ni Nelson Canlas ay nag-premiere naman sa YouTube channel ni Jen ang mga naging kaganapan sa kanilang simple ngunit makahulugang engagement.

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, kinumpirmang buntis ang aktres

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ikakasal na; idinetalye ang naganap sa wedding proposal
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo (Screengrab from JennyLyn Mercado YouTube channel)
Source: Facebook

Makikitang ginanap ito sa kanilang tahanan dahil sa 'maselan' ang kalagayan ng aktres sa kanyang pagbubuntis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit mapapansing pinaghandaan pa rin ito ni Dennis na hindi naiwasang maging emosyonal sa mga pangyayari.

Mapapansin din ang labis na kaligayahan ng dalawa lalo na at matagal na pala talaga nilang hinihiling na maganap ang mga nangyayari sa kanilang buhay sa ngayon.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang nanalo. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy remake ng "Descendants of the Sun".

Si "Jen" ang longtime girlfriend at ngayo'y fiancée na siya ni Dennis Trillo. Mayroon nang isang anak na lalake si Jen na si Alex Jazz sa dating nakarelasyon sa showbiz na si Patrick Garcia.

Read also

Vice Ganda, napasabak sa bonggang paglalaba habang nasa Amerika

Matatandaang matapos ang biglang pagkatigil ni Jen sa taping ng 'Love, Die, Repeat, agad na umugong ang balitang nagdadalang tao nga ang aktres.

Isa si Lolit Solis sa mga nagbahagi ng ilang kaganapan sa taping bago tuluyang matigil ang aktres. Naibahagi rin ng betaranang showbiz reporter ang kanyang pagsuporta sa susunod na kabanata ng buhay nina Jen at Dennis Trillo gayung nakikita niya ang katatagan ng relasyon ng dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel