Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, kinumpirmang buntis ang aktres

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, kinumpirmang buntis ang aktres

- Kinumpirma ng aktres na si Jennylyn Mercado ang kanyang pagdadalang-tao

- Sa interview sa kanya kasama na rin ang nobyong si Dennis Trillo, ikinuwento ni Jennylyn kung kailan nila nalaman ang kanyang kalagayan

- Dalawang buwan na ang nakararaan nang mapatigil siya sa taping ng Love, Die, Repeat

- Kasabay ng mahalagang anunsyo ng kanyang pregnancy, sinabi na rin ng Kapuso stars ang kanilang engagement

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makalipas ang ilang buwan, kinumpirma na ni Jennylyn Mercado ang kanyang pagbubuntis.

Nalaman ng KAMI na masayang inanunsyo ng Kapuso aktres ang napakagandang balita kasama ang kanyang nobyo na si Dennis Trillo sa panayam sa kanila ni Nelson Canlas ng 24 Oras.

Una nilang inanunsyo ang engagement nilang naganap lamang sa kanilang tahanan.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, kinumpirmang buntis ang aktres
Jennylyn Mercado (@jennylynmercado)
Source: Facebook

Ito ay dahil umano sa 'maselang' kalagayan ni Jennylyn na agad namang napansin ni Nelson.

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, idinetalye ang naganap sa kanilang engagement

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At doon kinumpirma ng dalawa ang pagbubuntis ni Jennlyn na kanyang nalaman habang nagti-taping siya ng 'Love, Die, repeat.''

Kitang-kita ang kasiyahan ng dalawa sa dalawang mahalagang anunsyong kanilang pinakawalan sa publiko.

Samantala, wala pa umanong petsa patungkol sa kanilang kasalan.

Narito ang emosyonal na naging kaganapan sa kanilang simple ngunit memorable na engagement mula sa YouTube channel ni Jennylyn Mercado:

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang nanalo. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy remake ng "Descendants of the Sun".

Si "Jen" ang longtime girlfriend at ngayo'y fiancée na siya ni Dennis Trillo. Mayroon nang isang anak na lalake si Jen na si Alex Jazz sa dating nakarelasyon sa showbiz na si Patrick Garcia.

Read also

GF na ayaw ng enggrandeng kasal, binigyan ng fiancé ng 6000 sqm na lote

Matatandaang matapos ang biglang pagkatigil ni Jen sa taping ng 'Love, Die, Repeat, agad na umugong ang balitang nagdadalang tao nga ang aktres.

Isa si Lolit Solis sa mga nagbahagi ng ilang kaganapan sa taping bago tuluyang matigil ang aktres. Naibahagi rin ng betaranang showbiz reporter ang kanyang pagsuporta sa susunod na kabanata ng buhay nina Jen at Dennis Trillo gayung nakikita niya ang katatagan ng relasyon ng dalawa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel