GF na ayaw ng enggrandeng kasal, binigyan ng fiancé ng 6000 sqm na lote

GF na ayaw ng enggrandeng kasal, binigyan ng fiancé ng 6000 sqm na lote

- Nag-viral ang nakakabilib na post ng BF tungkol sa kanyang fiancee na tumanggi sa magarbong wedding

- Ayon sa lalake, maging ang fancy dinner sana nila para sa kanilang ika-8 anibersaryo ay tinanggihan din ng babae at mas pinili ang simpleng ihaw-ihaw na kanilang pinagsaluhan

- Dahil labis na namagha ang BF sa pagiging praktikal ng kanyang mapapangasawa sa December 21, naisipan niyang bilhan ito ng malaking lupain

- Ginamit pa umano ng lalaki ang kanyang naipong pera para sa 6,000 sqm na lupang nakapangalan sa kanyang magiging misis

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Viral ngayon ang nakamamanghang kwento ni Christopher Villanueva tungkol sa kanyang pakakasalan na si Danica Anna Misterio.

Nalaman ng KAMI na tumanggi umano si Danica sa enggrandeng wedding na nais sanang ibigay sa kanya ni Christopher.

GF na ayaw ng enggrandeng kasal, binigyan nalang ng fiancé ng lupaing nakapangalan sa kanya
Sina Christopher at Danica (Photo from Christopher Villanueva)
Source: Facebook

Sa viral post din nabanggit ng lalake na maging ang fancy dinner sana nila ng nobya bilang pagdiriwang nila ng 8th anniversary ay tinanggihan din nito.

Read also

Aljur abrenica, ibinahaging tuloy ang pag-uusap nila ni Kylie Padilla

Dahil sa nakakabilib na pagiging praktikal ni Danica, naisipan ng nobyo na handugan siya ng 6,000 sqm na lote sa Camotes Island.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Used my personal savings I prepared supposedly for the wedding because I know she knew that this is a good investment," ang bahagi ng post ni Christopher.

Sa Disyembre nakatakdang ikasal ang dalawa sa isang simpleng civil wedding rites.

"Just a simple civil wedding lang po, 'yun lang. Not really an ideal wedding for most people, but for us, especially for her, she just wants a simple wedding lang po," pahayag ni Christopher sa panayam sa kanya ng PEP.

Kamakailan, nag-viral din ang isang bride na dumaan muna ng vaccination site dahil naka-schedule siya na magpabakuna kontra COVID-19 sa araw din ng kanyang kasal. Matapos ang pagbabakuna, diretso na rin siya sa simbahan para sa kanyang kasal.

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, kinumpirmang buntis ang aktres

Samantala, kamakailan ay nag-viral din ang newlyweds na na-scam ng kanilang wedding organizer. Wala kasing na-book na reception ang wedding organizer kaya naman napa-upo nalang habang umiiyak ang bride matapos ang kasalan.

Dahil sa nag-viral ang kanyang video at pictures, marami ang nagbigay ng tulong sa kanila. Ilan sa mga ito ay sina Neri at Chito Miranda na binigyan sila ng bonggang reception habang si Raffy Tulfo naman ay sinagot ang honeymoon expenses ng bagong kasal.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel