May-ari ng nag-viral na mga bahay ng Kakampink at BBM supporter, magkamag-anak pala

May-ari ng nag-viral na mga bahay ng Kakampink at BBM supporter, magkamag-anak pala

- Magkamag-anak pala ang mga may-ari ng bahay na nag-viral dahil sa pagiging Kakampink at BBM supporter nila

- Nagsimula umano ito nang magsabit ng tarpaulin ang Kakampink supporter na napansin naman ng kanyang kapitbahay

- Sinagot na rin nila ang tanong ng publiko kung nagbibigayan pa rin kaya sila ng ulam

- Aminado mang dismayado sa naging resulta ang Kakakmpink, hangad naman niyang maging kakakampi na niya ang natuang kamag-anak sa susunod na eleksyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi lamang magkapitbahay kundi magkadugo pala ang ang may-ari ng mga bahay kung saan ipinakita nila kung sino ang kanila umanong napupusuang pangulo at ikalawang pangulo ng bansa.

May-ari ng nag-viral na mga bahay ng Kakampink at BBM supporter, magkamag-anak pala
Photo from Marlon T-pants Decal Panti
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na magpinsan pala sina Mario Dela Cruz, ang Leni-Kiko supporter at Mark Joseph Sta. Cruz, BBM-Sara supporter na mula Marilao, Bulacan.

Read also

Aiko Melendez, pinaghahandaan na ang paglilingkod bilang konsehal ng QC

Ayon pa sa panayam sa kanila ng Kapuso mo, Jessica Soho, halos magkapatid na rin ang turingan ng dalawa.

Nagsimula umano ang kanilang house decoration nang magsabit ng tarpaulin si Mario ni VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Joseph, hindi agad nakapaglagay ng kahit ano tungkol sa UniTeam at kinailangan pa niyang humingi ng suporta sa kanyang tiyo sa Dubai na siyang naging daan pala mapalamutian niya ang bhay para sa Halalan.

Nasaot din nila ang tanong nga mga Pinoy kung nagbibgiayan pa rin sila ng pagkain sa kabila ng pagkakaiba nila ng pananaw sa pulitika.

Gayunpaman, aminado silang hindi pa rin naiiwasan ang mga diskusyon lalo na at magkaiba sila ng sinuportahang kandidato.

At nang matapos nga ang Halalan, magkatulong naman sila sa pagtatanggal ng mga ginamit nilang campaign materials.

Read also

Madam Inutz, nagbalik sa PBB House; naikwento pagpapadagdag ng kanyang 'Jolakang'

Narito ang kabuuan ng kwento mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho:

Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.

Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.

Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.

Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.

Isang vlogger ang nagpanggap na pulubi at humingi ng maiinom na tubig sa magsasaka ngunit higit pa sa tubig ang naibigay nito dahil sinamahan pa niya ito ng kanin at tuyo.

Dahil dito, naisipan naman ng vlogger na bukod sa tulong pinansyal, binigyan din niya ito ng kalabaw.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica