Victor Consunji, nag-post ng picture kasama si Rachel Carrasco

Victor Consunji, nag-post ng picture kasama si Rachel Carrasco

- Nag-post na rin si Victor Consunji ng picture kasama si Rachel Carrasco

- Aniya, mas tumanda, may mga puting buhok pero ito na raw sila matapos ang 20 years

- Sa larawan, makikita silang magkasama, at nilagyan ito ni Consunji ng caption na: "A little bit older… a little bit of grey… here we are 20 years later"

- Ang post na ito ay agad na umani ng mga reaksyon mula sa kanilang mga tagasuporta at netizens

Sa isang post ni Victor Consunji, ibinida niya ang isang larawan kasama si Rachel Carasco. Nilagyan ito ni Consunji ng caption na: "A little bit older… a little bit of grey… here we are 20 years later."

Victor Consunji, nag-post ng picture kasama si Rachel Carrasco
Victor Consunji, nag-post ng picture kasama si Rachel Carrasco
Source: Instagram

Ang post na ito ay umani ng mga reaksyon mula sa kanilang mga tagasuporta at netizens. May mga nagpakita ng paghanga at pagmamahal nila sa patuloy na matibay na samahan nila sa kabila ng mga pagsubok at hamon na kanilang hinarap.

Read also

Sarah Lahbati, naniniwala sa karma: ‘You don't get peace by seeking revenge’

Sa kabila ng pagtanda at mga bagong hamon, tila pinapahiwatig niyang magkasama pa rin sila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang dating asawa ni Victor Consunji na si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal sila ni Victor at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Sa kanyang Instagram stories, inilabas na Maggie ang screenshot ng conversation niya sa photo studio na kumuha ng mga pictures sa birthday celebration ng kanyang anak na si Conor. Makikita sa kanilang pag-uusap na nakatakda na sanang i-send ng studio ang mga kopya ng mga pictures kay Maggie. Gayunpaman, inihingi ng dispensa ng studio na hindi na nila mapapadala ang pictures dahil pinagbawalan umano sila. Minabuti namang itago ni Maggie ang pangalan ng taong nagpapabawal na i-post o i-send ang mga birthday photos ni Connor.

Samantala, naglabas ng saloobin si Beth Wilson, ang kapatid ni Maggie kaugnay sa kanyang pinagdaanan. Unti-unti na umano siyang 'drained' physically, mentally at emotionally dahil sa lahat ng nangyari. Hiling niya umano sa Panginoon na sana ay matigil na ang aniya'y nonsense na nangyayari.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel