Sarah Lahbati, naniniwala sa karma: ‘You don't get peace by seeking revenge’

Sarah Lahbati, naniniwala sa karma: ‘You don't get peace by seeking revenge’

- Para kay Sarah Lahbati, hindi siya pabor sa revenge dahil naniniwala daw siya sa karma

- Aniya, mahalaga sa kanya ang pagkakaroon ng peace at hindi niya iyon makukuha kapag gugustuhin niyang maghiganti

- Dagdag pa niya, malakas na sandata ang panalangin sa gitna ng mga pinagdadaanan

- Nabanggit ito ni Sarah sa isang press conference para sa kanyang bagong teleserye sa TV5 na "Lumuhod ka sa Lupa"

Sa isang press conference para sa kanyang bagong teleserye sa TV5 na "Lumuhod ka sa Lupa," ipinahayag ni Sarah Lahbati, ang dating asawa ni Richard Gutierrez, ang kanyang paniniwala sa karma at hindi pabor sa paghihiganti.

Sarah Lahbati, naniniwala sa karma: ‘You don't get peace by seeking revenge’
Sarah Lahbati, naniniwala sa karma: ‘You don't get peace by seeking revenge’
Source: Instagram

Ayon kay Lahbati, nainiwala siya sa karma at mahalaga para sa kanya ang peace at hindi daw iyon makukuha pag gustohin mong maghiganti.

Dagdag pa niya, malakas na sandata ang panalangin sa gitna ng mga pinagdadaanan.

Read also

Herlene Budol sa viral na live video niya: "I don't see anything wrong"

, "I believe in karma. For me, there’s nothing more expensive than peace. We cannot get peace if we seek revenge. There’s power in prayer... You don’t get peace by seeking revenge."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa gitna ng mga personal na pagsubok at kaguluhan sa kanyang buhay, ipinapakita ni Lahbati ang kahalagahan ng pagtanggap at pagpapatawad.

Si Sarah Lahbati ay isang Filipina-Moroccan actress at isang modelo. Ipinanganak noong Oktubre 9, 1993, siya ay nakilala sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Naging bahagi si Sarah ng mga finalists sa reality show na "StarStruck" ng GMA Network noong 2009.

Matatandaang nanatiling tahimik si Sarah kaugnay sa isyung hiwalay na raw sila ng asawang si Richard Gutierrez. Ito ay sa kabila ng pagsasalita ni Annabelle Rama sa isang panayam ni MJ Felipe. Sa kanyang post ay pinakita ni Sarah ang kanyang bagong sasakyan habang nakasuot ng kanyang tennis attire. Ito umano ang kanyang mga bagong passion, ang paglalaro ng tennis at mga sasakyan.

Read also

Kylie Verzosa, 'di naniniwalang pwedeng maging kaibigan ang ex: "Respeto sa bagong partner"

Binahagi ni Sarah sa kanyang post ang kanyang throwback picture. Sa kanyang picture ay makikita ang date stamp na kuha noong 1996. Ilan sa mga netizens ang nakapansin na kamukha daw ni Zion si Sarah noong bata pa siya. Sinagot ito ni Sarah ng smiling emoji bilang pagsang-ayon sa komento ng netizen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel