Herlene Budol sa viral na live video niya: "I don't see anything wrong"

Herlene Budol sa viral na live video niya: "I don't see anything wrong"

- Naglabas ng pahayag si Herlene Nicole Budol kaugnay sa kanyang live video na nag-viral

- Makikita sa kumalat na video clip na tila nakaligtaan ni Herlene na wala siyang suot na pantalon kaya kita ang kanyang underwear

- Bagamat may mga kritiko at natawa sa kanya, marami pa rin ang sumusuporta kay Herlene at nagpapakita ng pag-unawa sa kanyang punto

- Sa kanyang pahayag, sinabi niyang wala siyang makitang mali sa isyung ito dahil kapag rumarampa siya ay swimsuit din ang suot niya

Nagbigay ng kanyang opinyon si Herlene Nicole Budol ukol sa viral na live video kung saan siya nakita sa video na naka-underwear lang siya. Sa kanyang pahayag, sinabi niyang wala siyang makitang mali sa isyung ito dahil kapag rumarampa siya ay swimsuit din ang suot niya.

Herlene Budol sa viral na live video niya: "I don't see anything wrong"
Herlene Budol sa viral na live video niya: "I don't see anything wrong"
Source: Instagram

Marami ang sumang-ayon sa punto ni Herlene na ang isyu sa p^nty ay hindi dapat bigyan ng sobrang pansin, partikular na sa mundong kung saan ang paggamit ng mga revealing na damit ay karaniwan sa mga entertainment events tulad ng fashion shows at beauty pageants.

Read also

Sarah Lahbati, naniniwala sa karma: ‘You don't get peace by seeking revenge’

"Big issue agad sa p^nty? Personally, I dont see anything wrong for the p^nty issue. Nag rarampa nga ako sa entablado wearing Swimsuit. Halos abot hanggang langit nga hugis ng swimsuit ko, tapos ito p^nty lang. Well, its part of human error & always remember mistake is part of human being."

Binigyang-diin ni Herlene na kahit siya ay nagkakamali din at nagpapakatotoo sa mga pagkakataon kung saan nagkakamali siya, partikular sa aspeto ng kanyang kasuotan. Ang kanyang pahayag ay nagbibigay-diin sa katotohanang ang mga pagkakamali ay bahagi ng pagiging tao at mahalaga itong tanggapin at harapin nang may tapang at dignidad.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagamat may mga kritiko at nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya, marami pa rin ang sumusuporta kay Herlene at nagpapakita ng pag-unawa sa kanyang punto.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Read also

Ogie Diaz sa sagutang PK at Miss Grace: "Parang nakaka-stress na din"

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kauna-unahang international pageant ni Herlene.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel