Coleen Garcia kay Vice Ganda nang magkita sila: "Magbati na kayo please"
- Nakwento ni Vice Ganda kung paano nagsimula ang muli nilang pag-uusap ni Billy Crawford
- Aniya, sa isang event kung saan naroroon din ang mag-asawa, nakita ni Vice Ganda si Coleen at pinansin niya ito
- Nakiusap daw ni Coleen sa kanya na magbati na daw sila ng asawa nitong si Billy dahil alam niya kung gaano kahalaga ang pagkakaibigan nila sa isa't-isa
- Dagdag pa ni Vice Ganda, sino daw ba ang makakatanggi sa pakiusap na ito ni Coleen lalo at damang-dama niya ang sinseridad nito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Binahagi ni Vice Ganda kung paano nagsimula ang pagbabati nila ng kaibigang si Billy Crawford. Nang magkita daw sila ni Coleen sa isang event ay nakiusap ito na magbati na sila ni Billy.
Ani Vice, masaya siya at ramdam niya na iyon daw ang tamang panahon. Ramdam na ramdam daw niya ang sensiridad ni Coleen.
Story time kung paano kami nagkita ni Billy. Si Coleen ang nakita ko sabi ko Hi Coleen Bye.Tas sabi niya magbati na kayo please tapos nung nakita ko si Billy di ko alam kung anong gagawin ko. Sabi niya sige na please.
Dagdag pa ni Vice, nasaksihan ni Coleen kung gaano kahalaga para sa kanila ang pagkakaibigan nila.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Paano ka mag-no no kay Coleen, tapos ang mukha niya ang sincere. Tapos alam niya kung gaano kahalaga yung relationship namin ni Billy, nasaksihan niya.
Sagot naman ni Coleen, pinaliwanagan niya si Billy na parehas lang silang nasaktan dahil mahal nila ang isa't-isa.
And pareho kayong nasaktan. Yun yung sinasabi ko kay Billy. Sabi niya, Eh sinaktan niya ako eh. Sabi ko kasi you're also in pain so lahat ng nasasabi niyo, nagagawa niyo its all coming from a place of pain. You have to understand din na minsan may nagagawa tayo, may nasasabi tayo because nasasaktan din tayo. Its not because masama yung iniisip mo tungkol sa isang tao pero dahil nga mahal na mahal mo yung isang tao kaya ka nasasaktan.
Pagkatapos daw ng event na ito ay nag-te-text na sila kaagad ni Billy pagsakay pa lang niya sa kanyang sasakyan.
Korek. Kaya at that point, walang pagdadalawang-isip. It was the perfect time. I felt so good kaya nung naghiwalay kami text kami agad ni Billy. As in pagsakay ko pa lang ng kotse nagtetext na kami, nagtatawagan na, nagsesendan na kami ng kung anu-anong picture. Ganun agad, parang this is the perfect time ang sarap-sarap sa pakiramdam.
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.
Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.
Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh