Nikko Natividad, dumami raw ang kamag-anak nang manalo sa 'Gandang Lalake'

Nikko Natividad, dumami raw ang kamag-anak nang manalo sa 'Gandang Lalake'

- Naibahagi ni Nikko Natividad ang kwento kung paano siya nagsimula sa showbiz

- Sa panayam ni Karen Davila, nabahagi ni Nikko ang iba't-ibang trabaho na kanyang ginawa noon bago sumali sa 'Gandang Lalake' sa 'It's Showtime'

- Aniya, hindi siya namimili ng trabaho noon at ang iniisip niya lang ay ang kumita

- Kaya naman, kahit mahiyain ay sumali siya nang malamang 300K ang mapapanalunan

Kinaaliwan ang kwento ni Nikko Natividad sa panayam sa kanya ni Karen Davila. Naitanong sa kanya kung ano ang ginawa niya nang mapanalunan niya ang grand prize sa 'Gandang Lalake' sa It's Showtime.

Nikko Natividad, dumami raw ang kamag-anak nang manalo sa 'Gandang Lalake'
Nikko Natividad, dumami raw ang kamag-anak nang manalo sa 'Gandang Lalake'
Source: Youtube

Aminado siyang ito ang unang pagkakataon na nakahawak siya ng ganun kalaking halaga.

“First time ko makahawak ng ganung halaga. Pero sa totoo pala, dumudulas lang siya,”

Hirit pa niya, dumami ang kanyang kamag-anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Xian Gaza, aminadong nanglito lang: "She is female since birth"

“Lalo na dumami yung kamag-anak ko nun. May pinsan pala kong hindi ko ka-apelido. Nagulat ako,”

Biro pa niya, naging sakitin ang pamilya noong panahong iyon.

May pamilya rin akong nanghiram, mga humingi. Naging sakitin sila,

Si Nikko Natividad ay unang sumikat matapos niyang manalo sa Gandang Lalake segment ng It's Showtime. Kinalaunan, nakabilang siya sa tinaguriang "kilig ambassadors" ng noontime show, ang grupong Hashtags.

Kinaaliwan si Nikko Natividad sa kanyang Instagram post bilang kanyang reaksiyon sa rebelasyon ni Jake Ejercito sa vlog ni Charlie Dizon. Isa kasi sa naitanong ay tungkol sa kung sino ang huling tao sa kanyang search history sa Instagram at mabilis ang naging tugon ni Jake na si "Nikko daks." Pabirong sinabihan ni Nikko si Jake na masaya ang pagsasama nila ng kanyang misis at makakahanap din daw ito ng kagaya niya. Sagot naman ni Jake, na na-curious lang daw siya sa mga swimsuit posts ni Nikko.

Read also

Zanjoe Marudo, ibinida ang picture nila ni Ria Atayde

Ibinida ni Nikko ang video niya kasama ang inaanak na si Felize na anak nina McCoy De Leon at Elisse Joson. Makikita sa video na hinahawakan niya ito sa magkabilang kamay at pinapasayaw. Hirit pa ni Nikko, sa halagang 3K kada araw ay mapapalabas niya ang hidden talent ng bata. Pabiro nitong sinabihan sina McCoy at Elisse na may babayaran silang 6K sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel