Billy Crawford sa pagbabati nila Vice Ganda: "Marami akong realizations this past month"

Billy Crawford sa pagbabati nila Vice Ganda: "Marami akong realizations this past month"

- Naging emosyonal ang muling pagbisita ni Billy Crawford kasama ang asawang si Coleen Garcia at anak na si Amari sa 'It's Showtime'

- Sa Magpasikat performance nina Vice Ganda, Cianne Dominguez at Jackie Gonzaga, ang pamilya nina Billy ang kabilang sa naging guests

- Ani Billy, nagkaroon siya ng mge realizations nitong mga nakaraang araw lalo na nang makasama niya ang kanyang ama

- Ayon kay Billy, isa sa hiling ng kanyang ama na sana ay magbati na sila ni Vice Ganda

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal ang pagbabalik nina Billy Crawford kasama ang kanyang mag-ina sa 'It's Showtime'. Kabilang sila sa guests sa Magpasikat performance ng grupo nina Vice Ganda.

Billy Crawford sa pagbabati nila Vice Ganda: "Marami akong realizations this past month"
Billy Crawford sa pagbabati nila Vice Ganda: "Marami akong realizations this past month"
Source: Youtube

Nabanggit ni Vice Ganda na ilang araw na silang nag-uusap ni Billy.

"Thank you, Billy and Coleen kasi biglaan 'to. Kagabi ko lang sila tinawagan. Nagte-text kami ni Billy this past few days pero hindi namin 'to napag-usapan,"

Read also

Coleen Garcia kay Vice Ganda nang magkita sila: "Magbati na kayo please"

Ani Billy, nakasama niya kamakailan ang kanyang ama at hindi niya alam kung hanggang kailan niya makakasama ang ama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isa daw sa hiling ng ama niya ay magkabati sila ni Vice Ganda.

"Thank you, Vice. Happy anniversary, first of all, to us. Marami akong realization these past months. Kababalik ko lang galing States, kakakita ko lang sa daddy ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang daddy ko sa mundong ito. Pero ang bilin niya sa akin ay mag-ayos tayo,”

Humingi siya ng dispensa kay Vice Ganda, sa Madlang people at sa Kapamilya. Aniya bilang isang ama ay gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya.

“Kaya on my end, I want to say I'm sorry. I'm sorry, Madlang People. I'm sorry, Kapamilya. Magpapakumbaba na po ako. Gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya,”

Read also

Vice Ganda, pinasilip ang pamamasyal nila sa South Korea

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel