Lola na labis ang pag-iyak sa nabagansya niyang mga aso, muling nayakap ang mga alaga

Lola na labis ang pag-iyak sa nabagansya niyang mga aso, muling nayakap ang mga alaga

- Muling nakapiling kahit sandali ni Lola Ligaya ang kanyang mga alagang sina Brownie at Blackie

- Matatandaang si Lola Ligaya ang nasa viral video kung saan labis itong umiiyak at nabagansya ang kanyang mga alaga

- Sa tulong ng programang Kapuso mo Jessica Soho, nakitang mula ni Lola Ligaya ang kanyang mga alagang kinupkop ng animal shelter.

- At dahil tatlong dekada na ring homeless si Lola Ligaya, kinausap na rin ito ng MSWD at pumayag naman na ito na manirahan sa shelter upang hindi na siya magpagala-gala sa kalsada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling nayakap at nahagkan ni Lola Ligaya ang kanyang mga alagang sina Brownie at Blackie.

Matatandaang siya ang lola sa viral video na walang nagawa kundi ang umiyak at magba-bye sa mga alagang nabagansya.

Sa programang Kapuso Mo Jessica Soho, kinumusta nila si Lola Ligaya na labis paring nalulungkot sa pagkakawalay sa kanyang mga alaga.

Read also

Mga sanggol na nagkapalit sa ospital, pinamaskuhan ng kanilang Ninang Jessica Soho

Lola na labis ang pag-iyak sa nabagansya niyang mga aso, muling nayakap ang mga alaga
Si Lola Ligaya at si Blackie (Photo from Kapuso Mo, Jessica Soho.
Source: Facebook

Bagaman at salat sa buhay, nakuha pa rin ni Lola Ligaya na kupkupin ang mga asong itinuturing na niyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahit ipinamamalimos lang niya ang kanyang kinakain araw-araw, kasalo pa rin niya sina Brownie at Blackie.

Kaya naman nang makuha ito para dalhin sa animal shelter, hindi niya napigilang maging sobrang emosyonal.

Sa tulong ng KMJS, nakayakap muli ni Lola Ligay ang mga alaga subalit hindi na niya ito makukupkop.

Pumayag na rin siyang malagak sa shelter dahil sa nakumbinsi siya MSWD sa kanilang lugar.

Pumayag na rin ang shelter na pagbibigyan nilang kay Lola Ligaya na madalaw siya ng gma alaga niya paminsan-minsan.

Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.

Read also

77-anyos na lola, namamalimos kahit nagpapadala ng maayos ang anak na nasa Japan

Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.

Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.

Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.

Isang vlogger ang nagpanggap na pulubi at humingi ng maiinom na tubig sa magsasaka ngunit higit pa sa tubig ang naibigay nito dahil sinamahan pa niya ito ng kanin at tuyo.

Dahil dito, naisipan naman ng vlogger na bukod sa tulong pinansyal, binigyan din niya ito ng kalabaw

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica