Bulag, buwis-buhay na nangunguha ng kawayang gagawing alkansya para mailako
- Marami na agad ang naantig ang puso sa kwento ni Tatay Ening na isang bulag ngunit nagagawa pa ring manguha ng kawayan para gawing alkansya
- Hindi pa man naipalalabas ang kwento niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, marami na ang humanga at nais na magpaabot sa kanya ng tulong
- Aminadong hirap sa kalagayan ngunit wala siyang magagawa sapagkat magugutom naman silang magkapatid
- Bukod sa pangunguha ng kawayan, siya na rin ang nagtatabas nito para gawing alkansya na nailalako raw niya sa halagang Php50 hanggang Php200
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Umantig sa puso ng maraming netizens ang kwento ng bulag na si Tatay Ening.
Nalaman ng KAMI na hindi pa man naipalalabas ang kabuuan ng kanyang kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho, marami nang tao ang namangha sa kanya at ang iba'y nais pa siyang paabutan ng tulong.
Aminadong hirap si Tatay Ening sa kanyang kalagayan. Subalit wala raw umano siyang magagawa dahil kung hindi siya namutol ng kawayan para gawing alkansya, wala rin silang makakain kung hindi niya ito nabenta.
"Bahala na kung mahulog at magkapilay-pilay ako. Mahihilot din naman at mawawala."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kabila kasi ng kanyang kapansanan ay ayaw niyang maging pabigat at maging palamunin na lamang ng kanyang kapatid
At kahit siya ay walang paningin, nais pa rin niyang maramdaman ang saya na dulot ng Kapaskuhan kaya naman nag-iipon din siya para sa selebrasyon nito ng kanilang pamilya.
Narito ang kabuuan ng post mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho at mga larawan ni Tatay Ening na unang naibahagi ni Carl Joseph Carazo Lara:
Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.
Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.
Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pagtawid ng mga guro sa ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.
Tinutukan din ng marami ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na dinagsa naman ng tulong at natigil na sa pagtatrabaho buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.
Source: KAMI.com.gh