Angeline Quinto, ibinahagi ang pinagdaanang challenges sa kanyang pagbubuntis

Angeline Quinto, ibinahagi ang pinagdaanang challenges sa kanyang pagbubuntis

- Ibinahagi ni Angeline Quinto sa kanyang vlog na nakaranas siya ng ilang problema sa kanyang pagbubuntis

- Kaya naman, binilin ng kanyang doktor na iwasan muna niya ang mga bagay na makakapagpa-stress sa kanya

- Naging struggle din umano sa kanya ang kanyang trabaho sa ASAP at maging ang kanyang concert

- Kwento niya nahirapan siya lalo at pinagbawalan siyang magsuot ng heels ngunit hindi umano siya sanay na magperform nang magsuot ng sapatos na walang takong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Angeline Quinto ang kanyang naging karanasan sa kanyang pagbubuntis. Naikwento niyang sobrang nahirapan siya at sinabi umano ng kanyang OB na iwasan ang mga bagay na makapagpa-stress sa kanya.

Angeline Quinto, sobrang nahirapan sa una at pangalawang buwan ng pagbubuntis
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Naging struggle din sa kanya ang taping ng ASAP at maging ng kanyang digital concert. Nahirapan siya dahil bawal sa kanya na magsuot ng sapatos na mataas ang takong ngunit hindi umano siya sanay lalo kapag nagpe-perform siya.

Read also

Basel Manadil, nagluto at namigay ng pang-noche buena ng mga taong lansangan

Naging malungkot man sa pagpanaw ng kanyang Mama Bob, napawi umano kahit papaano ang bigat na kanyang dinadala nang malaman niyang buntis siya. Unang pinagsabihan niya umano ay ang kanyang manager. Minabuti niyang huwag muna ipaalam ang kalagayan dahil aniya, nais niya sanang gawing pribado ang parteng iyon ng kanyang buhay.

Bumuhos naman ang mensahe ng pagsuporta sa kanya ng kanyang mga fans:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Mahal na mahal ko yung tao at alam kong ganon din naman sya sakin" woyyy kilig malala mommy angge!! so happy fo you talaga! excited na akong masilayan ang inyong buong pamilya ate idol ♥️ i love you 3
Congrtas Angeline GOD bless..deserved mo yang magkaroon ng baby kasi mabuti kang tao at magiging mabuti kang ina,,ingat ka lagi at ang magiging baby mo…

Read also

Ivana Alawi, dinagdagan ang tulong na Php105,000 ni Zeinab Harake para sa batang may sakit

Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Isa din si Angge sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube content nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel