Ogie D sa tanong ng netizens kung sina Gerald at Julia pa rin ba: "Ako naniniwala na sila pa din"

Ogie D sa tanong ng netizens kung sina Gerald at Julia pa rin ba: "Ako naniniwala na sila pa din"

- Napansin ng mga netizens na wala na umanong post na magkasama sina Gerald Anderson at Julia Barretto ilang buwan na ang lumipas

- Gayunpaman, naka-follow pa rin naman sa isa't isa sina Gerald at Julia

- Dahil dito, naniniwala umano si Ogie Diaz na walang katotohanan ang espekulasyon ng publiko na hiwalay na umano ang dalawa

- Napuri rin ni Ogie si Julia dahil sa kabila ng anumang maiulat nila sa kanya, bumabati at tila may kasama pa umanong kulit pag sila ay nakikita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa dami ng mga napapabalitang nagkakahiwalay kamakailan sa mga showbiz couples, isa rin umano sa mga napansin ng mga netizens ang hindi na pagpo-post sina Gerald Anderson at Julia Barretto ng pictures o video nila na magkasama.

Ogie D sa tanong ng netizens kung sina Gerald at Julia pa rin ba: "Ako naniniwala na sila pa din"
Julia Barretto and Gerald Anderson (@juliabarretto)
Source: Instagram

Read also

Cristy, cyber-libel ang nakaabang sa ama ni Liza Soberano kung 'di ito mag-public apology

Isa umano ito sa natalakay ni Ogie Diaz sa pinakabagong episode ng kanyang Showbiz Update channel.

Ayon kina Ogie at Mama Loi, tila nagkakaroon umano ng espekulasyon ang netizens na baka hiwalay na ang dalawa dahil hindi na raw nila ito napagkikita na magkasama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Actually Loi no, they still follow each other. So I don't think, dapat kong i-entertain 'yung mga thoughts niyo. E kasi 'di ba, porke hindi nagpost na magkasama 'yung dalawa, or wala silang IG story na may video sila together, ano ba yan paghihinalaan na wala na?"

Naniniwala rin umano si Ogie na sina Gerald at Julia pa rin taliwas sa nangyari sa mga showbiz couples na napapabalitang naghiwalay na at ang isa na rito ay ang Kathniel na mismong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nagkumpirma.

Read also

Ogie D, nalaman sa source ang umano'y hiwalayang KimXi: "Siguro mga 2 months na"

"Alam mo sa totoo lang, iba yung kay KimXi saka kay Kathniel, naririnig-rinig natin e. Dito sa Gerald Julia, wala akong naririnig. Ako, I'd like to believe na sila pa rin. Ako naniniwala na sila pa din. Kayo lang talaga yung hindi naniniwala."

Napuri rin ni Ogie Diaz si Julia dahil sa kabila umano ng mga intrigang naibabahagi nila sa nasabing YouTube channel ay nananatili umano nitong magiliw at bumabati pa rin sa kanila.

"Pag nakita na naman natin si Julia, 'hoy kayo ha, iniintriga niyo kami ni Ge. [Dapat ito 'yung binabalita niyo] na magkasama kami. 'Yan ang gusto ko kay Julia. Kahit ano pang ibalita natin dito pag nakikita natin talagang binabati tayo."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Si Julia Barretto ay isang aktres sa Pilipinas. Anak siya ng mga artistang sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Minsan na rin niyang nakarelasyon si Joshua Garcia at sa kasalukuyan, nobyo niya ang aktor na si Gerald Anderson.

Read also

Cristy Fermin kay Paolo Contis: "Ikaw ang nagbukas ng pintuan para ikaw ay i-bash"

Matatandaang muling naging usap-usapan si Julia matapos na mag-post ng ama nitong si Dennis Padilla ng mensahe niya para sa mga anak kay Marjorie Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

At kamakailan lamang, muling nagbahagi si Dennis ng liham para kina Julia sa pamamagitan ni Ogie Diaz at sinabi nito kung gaano na niya talaga ka-miss ang mga anak. Hanggang ngayon, palaisipan din maging sa publiko kung bakit hindi umano nakikipag-usap ang magkakapatid sa ama nilang si Dennis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel