Pambansang Kolokoy, nilinaw na kailanma'y 'di naisama sa picture o video ang bagong partner

Pambansang Kolokoy, nilinaw na kailanma'y 'di naisama sa picture o video ang bagong partner

- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, isa sa nilinaw ni Pambansang Kolokoy ay kung sino ang kanyang bagong partner

- Marami kasi ang nag-iisip na maaring si Gladys Guevarra nga ang bagong pag-ibig ni PK

- Gayundin ang bago niyang naka-collab na mag-ina na hindi pa rin naman niya pinangalanan

- Aniya, nahihirapan na rin ang totoong present partner niya sa mga nangyayari lalo na at siya ang nasisisi sa kinahinatnan umano ng relasyon nila ng dating asawa na si Miss Grace

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni Pamabansang Kolokoy, Joel Mondina na kailanma'y hindi pa niya naisasapubliko ang bago niyang partner at ina ng isang taong gulang niyang anak.

Pambansang Kolokoy, nilinaw na kailanma' y 'di niya naisama sa picture o video ang bagong partner
Joel Mondina (Pambansang Kolokoy)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito, isa ang isyu na ito sa mga nilinaw niya.

Read also

Ivana, naikwentong may umaway umano sa kanya sa isang recent show

"''Yung wife ko ngayon, never siyang lumabas sa videos. Siya ang hinuhusgahan. Siya ang kawawa. Minsan nga sumasama na 'yung loob niya. Sa tingin niya hindi ko siya kayang ipagtanggol.'Yun ang usapan namin palagi na hindi man lang daw ako mag-reply," ani Joel.

Aniya, collaboration lang talaga ang ginawa nila noon ni Gladys Guevarra. Inakala kasi noon ng publiko na si Gladys na ang bagong pag-ibig ni PK.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging ang mag-ina na umano'y kasama niya sa vlog kamakailan ay napagdiskitahan din ng publiko. Sinasabing konsintidor ang ina na pumapayag sa relasyon ni Joel sa kanyang anak.

Subalit wala umano itong katotohanan at pawang collaboration pa rin ang nangyaring iyon.

"Siya ang talagang sobrang naapektuhan. Siya ang dinidikdik ng mga tao sa mga nangyayari" patungkol pa rin sa kanyang partner na hindi pa niya talaga ipinakikilala sa publiko.

Read also

Ivana, nabanggit kung magkano ang kita sa vlog: "Baka isipin niyo nagyayabang"

Narito ang kabuuan ng kanyang mga naging pahayag:

Si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay isang content creator sa YouTube na mayroon nang 2.16million subscribers. Naakilala siya sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos na kahit nasa ibang bansa, proud pa rin ito sa kanyang mga gawaing Pinoy na Pinoy.

Samantala, si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctoral Degree in Nursing.

Matapos nga silang maghiwalay ni Pambansang Kolokoy ay marami sa mga viewers ng vlog nila ni PK ang naghanap sa kanya. Dahil wala naman siyang sarili niyang YouTube channel ay minabuti na lang niyang ibahagi ang kanyang account sa Facebook at Instagram. Marami ang nakapansin sa kanyang blooming na awra sa kanyang mga pictures na binahagi.

Read also

Rendon Labador kay Ricci Rivero: "Puro ka porma, dugyot ka na, palamunin ka pa"

Ilang linggo rin matapos ang kanilang hiwalayan, nagawa pa rin na mag-collab ng dalawa sa isang video. Subalit hindi na rin ito mapapanood ngayon sa kani-kanilang mga channel o social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel