Jackie Forster, ibinida ang husay sa pagkanta ng anak na si Caleigh

Jackie Forster, ibinida ang husay sa pagkanta ng anak na si Caleigh

- Binahagi ni Jackie Forster ang isang video ng pagkanta ng anak niyang babae na si Caleigh

- Makikita sa video na mag-isa si Caleigh sa entablado at bumibirit na kagaya sa mga batikang opera singers

- Umani ng papuri ang performance na ito ni Caleigh hindi lang mula sa mga netizens kundi maging sa mga ilang sikat na personalidad

- Matatandaang noong tatlong taong gulang si Caleigh ay na-diagnose siya ng Juvenile Myelomonocytic Leukemia pero ilang taon na rin siyang cancer-free sa kasalukuyan

Ibinahagi ni Jackie Forster ang isang video ng kanyang anak na si Caleigh habang kumakanta. Sa naturang video, makikita si Caleigh na mag-isa sa entablado habang bumibirit.

Jackie Forster, ibinida ang husay sa pagkanta ng anak na si Caleigh
Jackie Forster, ibinida ang husay sa pagkanta ng anak na si Caleigh
Source: Instagram

Sa kanyang husay sa pagkanta, hindi maiwasang mapahanga ang mga manonood sa galing ni Caleigh.

Ang performance na ito ni Caleigh ay hindi lamang umani ng papuri mula sa mga netizens, kundi maging sa ilang sikat na personalidad sa industriya.

Read also

Marian Rivera, humingi ng dispensa matapos dalawang beses ma-mute ang TikTok video

Inalala rin ang mga tagahanga ni Caleigh na noong tatlong taong gulang siya, na-diagnose siya ng Juvenile Myelomonocytic Leukemia. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan, matapos ang ilang taon, si Caleigh ay nagtagumpay sa kanyang laban laban sa sakit at kasalukuyan ay cancer-free na.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Jackie Forster ay isang kilalang personalidad sa Pilipinas na dating aktres at modelo. Isa sa kanyang mga pinakakilalang proyekto ay ang pagiging bahagi ng pamosong noontime show na "Eat Bulaga!". Siya ay dating asawa ni Benjie Paras, isang dating PBA player at aktor, at sila ay mayroong mga anak na sina Andre at Kobe Paras.

Matatatndaang noong 2020 ay nakasama ni Kobe Paras ang inang si Jackie Forster sa salubungin ang bagong taon. Binahagi niya ang pictures nila ng kanyang kapatid sa ina. Matatandaang matapos maghiwalay nina Benjie at Jackie ay taong 2018 nang muling magkasama sina Jackie at mga anak kay Benjie.

Read also

Angeline Quinto, buntis na sa 2nd baby nila ni Nonrev Daquina ayon kay Ogie Diaz

Samantala, ayon kay Benjie, mas maiging hindi siya magkokomento kaugnay sa love life ng anak na si Kobe. Aniya, hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng anak dahil alam niyang nasa tamang edad na umano ito. Aniya, tiwala siyang alam na ng anak na gumawa ng tamang desisyon para sa kanyang sarili. Matatandaang kinakiligan ng netizens ang post ni Kobe kamakailan kung saan kasama niya ang anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel