Marian Rivera, humingi ng dispensa matapos dalawang beses ma-mute ang TikTok video

Marian Rivera, humingi ng dispensa matapos dalawang beses ma-mute ang TikTok video

- Nag-sorry si Marian Rivera matapos ma-mute ang kanyang video sa TikTok

- Ito ay matapos niyang pagbigyan ang kanyang mga tagahanga sa hiling nilang gumawa siya ng video ng iconic na pagganap niya bilang si Marimar

- Matagal nang hinihiling ng kanyang followers ang kanyang dance cover nito lalo at dito siya unang mas sumikat

- Sa kanyang nilabas na video, muli niyang pinakita ang maamong mukha ni Marimar sa pamamagitan ng paggamit ng estilo ng usaong-uso na Asoka makeup trend

Nag-sorry si Marian Rivera dahil na-mute ang kanyang binahaging video sa TikTok. Dahil sa nangyari, ang kanyang bagong upload na Marimar video ay nakikita na lamang sa Facebook at Instagram ni Marian.

Marian Rivera, humingi ng dispensa matapos dalawang beses ma-mute ang TikTok video
Marian Rivera, humingi ng dispensa matapos dalawang beses ma-mute ang TikTok video
Source: Instagram

Matapos ang matagal na hinihintay, inilabas na ni Marian Rivera ang isa sa mga pinakaaabangang video ng kanyang mga tagahanga - ang kanyang iconic na pagganap bilang si Marimar.

Read also

Marian Rivera, may pasilip sa isang TikTok video na ilalabas: "Challenge accepted"

Pinagbigyan ni Marian ang kanyang mga tagahanga na matagal nang humihiling na gumawa siya ng video ng kanyang dance cover bilang Marimar, lalo pa't dito unang sumikat ang kanyang pangalan.

Sa kanyang inilabas na video, muli niyang ipinakita ang maamong mukha ni Marimar sa pamamagitan ng paggamit ng estilo ng Asoka makeup trend na kasalukuyang napapanahon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar." Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Ipinanganak ang panganay na anak na si Zia noong November 23, 2015 at April 16, 2019 niya pinanganak ang pangalawang anak na si Ziggy.

Kamakailan ay nag-post si Buboy Villar ng picture nila ni Marian nang magkasama sila sa isang event ng skin care company. Marami sa mga netizens ang nagkomento na naalala nila ang kanilang pagsasama noon sa seryeng "Darna". Matatandaang naibahagi ni Buboy na mula sa pagiging mag-ate ay magkumare na umano sila ni Marian. Matatandaang una silang nagkasama sa teleseryeng “Dyesebel" na aniya ay naging simula ng kanyang career bilang si Buboy.

Read also

Nadine Lustre, inunahan na ang komento ng netizens: "Binasa yung kalsada para estetique"

Naiyak naman si Zeinab Harake nang makita at makasama ang idolo niyang si Marian. Mismong si Marian pa ang nagpalapit kay Zeinab na maluha-luha namang lumapit sa kanya. Ani Zeinab, si Marian talaga ang idolo niya at maging ang ilang gawi nito ay talagang ginagaya niya. Bago pa man ilabas ni Zeinab ang kanilang video, una nang nag-viral ang larawan ni Zeinab kasama sina Marian at mister nitong si Dingdong Dantes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel