Pambansang Kolokoy at Marites, nagsama muli sa isang vlog matapos ang hiwalayan

Pambansang Kolokoy at Marites, nagsama muli sa isang vlog matapos ang hiwalayan

- Matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites Mondina

- Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli

- Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari

- Gayunpaman, makikitang maayos pa rin ang dalawa sa kabila ng desisyong maghiwalay makalipas ang 20 taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ilang araw lamang matapos ang kanilang rebelasyon na paghihiwalay, muling nagkasama sa isang vlog si Pambansang Kolokoy, Joel Mondina at dating misis nitong si Marites Mondina.

Pambansang Kolokoy at Marites, nagsama muli sa isang vlog matapos ang hiwalayan
Pambansang Kolokoy at Marites (Pambansang Kolokoy)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na pinagbigyan nila ang kanilang mga fans at subscribers gayung marami raw talaga ang tila naninibago at nami-miss si Marites.

"Marites, we've been looking for you oh my goodness, where have you been?" bungad ni Pambansang Kolokoy.

Read also

Payo ni Pambansang Kolokoy noon, muling binalikan ng netizens

"O ayan, mga naghahanap sa'yo. Nami-miss ka nila, nami-miss 'yung pambabatok mo sa akin. Nami-miss nila 'yung tawa mo"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Doon napagkwentuhan din nila ang bagong upload na video ni Joel kung saan may mga kasama itong mga babae.

Nagbiruan pa ang dalawa at nanonood pa rin daw si Marites ng videos ni Joel sa kanyang channel.

"Sinasabi lang sa akin. They just send me you know pictures, messages," paliwanag ni Marites.

Kinantsawan naman siya ni Joel na baka nag-unsubscibe na ito kaya hindi na napanood talaga ang naturang video.

Gayunpaman, makikitang maayos pa rin ang dalawa sa kabila ng kanilang hiwalayan matapos ang 20 taon nilang pagsasama.

Sa naturang video rin nabanggit ni Pambansang Kolokoy ang tungkol sa mga nagbabalak na mag-unsubscribe sa kanyang channel.

'Sa mga nagsasabi rin na they are going to unsubscribe, because they don't see Marites anymore, I can't stop you guys," ani Pambansang Kolokoy.

Read also

Pambansang Kolokoy, nakiusap na huwag nang pakialaman ang kanilang pribadong buhay

Narito ang bahagi ng video na naibahagi rin ng Grace Fun:

Si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay isang content creator sa YouTube na mayroon nang 2.14 million subscribers. Naakilala siya sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos na kahit nasa ibang bansa, proud pa rin ito sa kanyang mga gawaing Pinoy na Pinoy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel