Pinoy vlogger, sinagot ang paratang na di siya tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo
- Sumagot ang isang Pinoy vlogger na tila nasita ng isa sa mga nakapanood ng kanyang mga video
- Marami sa mga vlogger daw kasi ang nakikitang nagpapaabot o personal na namamahagi ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses, subalit hindi raw nila nakita si "Pambansang Kolokoy" na nagbigay ng tulong
- Nagpahayag ng saloobin ang vlogger at sinabing na huwag sana siyang ikumpara sa ibang mga Pinoy vlogger
- Si Pambansang Kolokoy ay naka-base ngayong sa Amerika subalit marami pa rin sa kanyang mga tagahanga ay mga Pilipinong naaaliw sa kanyang pamilya lalo na kung kasama niya ang kanyang bunsong anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naglabas ng saloobin ang Pinoy vlogger na si Joel Mondina o mas kilala bilang si "Pambansang Kolokoy" matapos na makatanggap umano ng puna mula sa isang netizen.
Nalaman ng KAMI na tila sinita si "Pambansang Kolokoy" ng netizen dahil hindi raw nila ito nakitang tumulong sa mga kababayang Pilipino na nasalanta kamakailn ng Bagyong Ulysses.
Karamihan na kasi sa mga vlogger o content creator sa bansa ay pawang pagtulong sa mga labis na naapektuhan ni 'Ulysses' ang mga laman ng kanilang video matapos ang bagyo.
Sa kanyang Facebook post, sinagot ni Joel ang puna sa kanya ng netizen at marami ang sumang-ayon sa kanyang pahayag.
"Bakit kailangan ko pang sabihin sa inyo? Why? That's not me and I don't play that kind of game so please stop comparing me to them," paliwanag ng vlogger.
"Masaya silang ipinangangalandakang nakatulong sila, pwes ako mas masaya ako na ako, ang panginoon at mga tinulungan ko lang ang nakakaalam," dagdag pa niya.
Marami naman sa kanyang mga subscribers ang naunawaan ang paliwanag ni Joel at sana raw at kapulutan ito ng aral.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Oo po Kuya, We agree yet we’ve done giveaways on camera before pero.. just because we don’t film it doesn’t mean we aren’t donating anonymously or praying. It’s none of their business either way"
"It is in the heart that creates goodness and kindness. And God knows those acts of being generous to others without knowing by others to recognized"
"Tama! God knows lang ! diba. Most of my Family living in Tuguegarao, Cag. and they are also affected from the Flood, and yet they're still existing helping others!"
"“Kung gusto ipakita “very good” Kung Hindi naman “very good” din, kahit paanong paraan pa yan basta pagtulong sa kapwa"
"Exactly!!! Helping doesn't require documentation or broadcasting. And the most sincerest way of helping is offcam!!!"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Joel Villanueva Mondina na kilala bilang "Pambansang Kolokoy" ay isang komedyante at isa sa mga Pinoy content creator sa YouTube. Nakabase siya sa Amerika kasama ang kanyang pamilya na madalas din niyang makasama sa kanyang mga video.
Sa ngayon, mayroon nang 1.76 million subscribers ang kanyang YouTube channel na 'Pambansang Kolokoy.'
Kamakailan, ilan sa mga YouTuber sa bansa ay nagpakitang nagbabahagi ng kanilang tulong sa mga kababayan nating nasira ang tahanan at kabuhayan dahil sa sunod-sunod na bagyong naganap.
Tulad ng nasabi ni Joel, hindi naman kailangang ma-ikumpara siya sa mga ito dahil ang mahalaga ay natulungan ang ating mga kababayan sa anumang paraan, nakita man o hindi ng publiko.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh