Miss Everything, sweet na sweet kasama ang sinasabing BF nito sa viral video

Miss Everything, sweet na sweet kasama ang sinasabing BF nito sa viral video

- Agaw-eksena sa social media ang bagong video ni 'Miss Everything" kung saan may kasama siyang lalaki at super sweet sila sa isa't isa

- Napa-sana all ang karamihan ng netizens nang makita ang video lalo na at 'cute' ang lalaking nakabihag ng puso ni Miss Everything

- Marami rin ang nagpadala ng mensahe kay Miss Everything at binabati siya sa pagkakaroon ng 'love life'

- Si Miss Everything ay nakilala dahil sa kanyang video na kahit mali-mali ang kanyang pagsasalita ng ingles, confident pa rin siya at nagdadala ng good vibes sa kanyang mga manonood

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Miss Everything, muling nag-viral dahil sa video na nagpapakita ng kanyang "love life"

Miss Everything (Photo from Ericka Maribojoc Camata's Facebook)
Source: Facebook

Marami ang napa-sana all matapos na mag-viral ang pinakabagong video ni Ericka Maribojoc Camata o mas kilala bilang si "Miss Everything."

Nalaman ng KAMI kasama ni Miss Everything ang sinasabing 'boyfriend' umano nito na kinainggitan ng maraming netizens.

Zanjoe Marudo, gamit na rin ang "hashtag" ni Angelica Panganiban

Kapansin-pansin daw kasi na 'cute' ang lalaking nagpatibok ng puso ni Ericka na kitang-kita naman sa video.

Super sweet at talagang kumikinang ang mga mata ni Miss Everything na sa kabila ng pandemya ay nakahanap ng taong makapagpapasaya sa kanya.

Maging ang mga netizens ay natuwa para kay Miss Everything at binati nila ito sa paraan ng pagsasalita ng kilalang vlogger sa bansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa nakakaaliw nilang mga komento:

"Today marks the unavailability of once life of each other to you and your partnership of that miracle guy in your area .. Congratulations miss everythiiing !! Very functional and accommodating happenings in ur life has begun tonight as ur singularity breaks the whole wild world of disasterism"
"I'm so very lovely to the fact that your pm is the key to success.Enjoy ur functional relationshipment for free miss everythiiiing."
Post ng GF tungkol sa lakad ng nobyo niyang "all boys" lang daw, kinagiliwan ng netizens
"Wow! What an accommodating relationship! You guys really functional well to the best of your ability! Always stay to the backbones of each other. Never minded the functional disasters, okay?"
"Miss Everything is the key to success of that boy. Godbless to the bottom of your heartfelt soul. Congratulations and May you greatful to have the each and every single one of you. Stay strongest."
"How are you to find out this functionality boyfriend in this very accommodating world. Congratulations Miss Everything!!! May you have a tender loving juicy of sweetness with everlastingness of wilderness with your relationship together with a very accumulating functionable personality in your area of responsibility."
"Oh the guy is very functional in the life of Miss Everything. I hope there is a very accommodating relationship to each and every disaster. Coz i believe that when everyone is functioning the earth is very well said. Congratulations to each and everyone."
OFW, inirereklamo ang dating lesbian partner na naunahan pa siyang mabuntis

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ericka Maribojoc Camata ay sumikat bilang si "Miss Everything" dahil sa mga videos niya na ang intro ay "Hello, everything! how are you to find out?" Mayroon siyang YouTube channel na 'Miss Everything Vlogs' kung saan mayroon na siyang 815,000 na mga subscribers.

Mali-mali man ang kanyang pag-iingles, confident pa rin ito at napakapositibo sa buhay. Katunayan, nakuha pa rin niyang magbiro kahit nawalan sila noon ng bubong nang masalanta ang kanilang lugar ng Bagyong Ambo.

Marami ang nakapansing mahusay ding umawit si Miss Everything kaya naman mas lalong dumami ang kanyang mga tagahanga.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel