Bobby Ray Parks kay Bia: "Thank you for giving us a reason to smile every single day"

Bobby Ray Parks kay Bia: "Thank you for giving us a reason to smile every single day"

- Nag-post si Bobby Ray Parks ng kanyang mensahe para sa anak ni Zeinab Harake na si Bia

- Anak din ang turing ni Ray kay Bia na daddy din ang tawag sa kanya

- Inihayag niya ang kanyang pagmamahal kay Bia at maging kay Zeinab at sa isa pa nilang anak na si Lucas

- Pinasalamatan niya ito dahil napapangiti daw sila araw-araw dahil kay Bia

Sa espesyal na okasyon ng ika-3 kaarawan ng anak ni Zeinab Harake na si Bia, nag-post si Bobby Ray Parks ng isang mensahe para sa anak ni Zeinab na tinuturing din niyang sarili niyang anak.

Bobby Ray Parks kay Bia: "Thank you for giving us a reason to smile every single day"
Bobby Ray Parks kay Bia: "Thank you for giving us a reason to smile every single day"
Source: Instagram

Sa kanyang post, ipinahayag ni Ray ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak. "Happy 3rd Birthday to the little girl that stole my heart," simula niya. Ipinahayag din niya ang kanyang mga dasal para kay Bia, na patuloy na pagpalain ng Diyos.

Read also

Zeinab Harake, nagbahagi ng tagos sa pusong mensahe para kay Bia

Sa kanyang mensahe, ipinakita ni Ray ang pagmamahal nila ni Zeinab at sa kanilang anak na si Lucas kay Bia. "I love you so much, always know that mommy, kuya Lucas, and I will always be here for you and will protect you," aniya.

Pinasalamatan din ni Ray si Bia dahil sa pagiging isang dahilan para sa kanilang mga ngiti araw-araw. "Thank you for giving us a reason to smile every single day," dagdag niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa huli, ipinahayag ni Ray na inaasahan niyang masiyahan si Bia sa kanilang sorpresa para sa kanya. "Hope you are excited for your surprise my little princess," sabi niya.

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Read also

David sa mga nagsasabing ginagamit niya umano si Kathryn: "I think I'm just being true to myself"

Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama. Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge.

Samantala, naghayag ng kanyang suporta si Zeinab sa kaibigang si Awra Briguela. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya matapos kumalat ang video ng pagkakasangkot niya sa isang rambol. Ani Zeinab, si Awra ay isang kaibigan na sobrang mapagmahal na handang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kanyang pagmamahal sa kaibigan. Aniya, hindi din nila iiwan si Awra at ipaglalaban din nila si Awra bilang mga totoong kaibigan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel