Pambansang Kolokoy, inalala ang pagpapabalik ng present partner niya kay Miss Grace noon

Pambansang Kolokoy, inalala ang pagpapabalik ng present partner niya kay Miss Grace noon

- Emosyonal si Pambansang Kolokoy nang maikwento ang tungkol sa pagpapabalik sa kanya ng present partner kay Marites at kanilang mga anak

- Aniya, narinig niya ang umano'y naging usapan nina Grace at kanyang present partner sa telepono na nabanggit nito sa panayam sa kanya ni Luis Manzano

- Makikita lang kasi umano niya ang kanyang mga anak kung bumalik ito sa kanilang tahanan

- Subalit isang text message ang nakita niya dahilan para umalis muli siya sa poder ni Grace at mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maluha ni Joel Mondina o mas kilala bilang si Pamabansang Kolokoy nang maikwento niya ang tungkol sa pagpapabalik sa kanya ng present partner sa kanyang dating misis na si Grace at kanilang mga anak.

Pambansang Kolokoy, emosyonal nang pabalikin ng present partner kay Maritess at mga anak
Pambansang Kolokoy, emosyonal nang pabalikin ng present partner kay Maritess at mga anak
Source: Youtube

Aminado siya na ang tanging pinagsisisihan ay ang pag-iwan sa mga anak na sa kanya umano talaga lumaki gayung abala noon si Grace o mas kilala bilang si Maritess sa kanyang doctorate degree.

Read also

Pambansang Kolokoy, nilinaw na kailanma'y 'di naisama sa picture o video ang bagong partner

Sinabihan din umano siya ni Grace na makikita lang ang mga anak kung babalik siya sa kanilang tahanan.

"'Yung tumawag. Ang kwento niyan, tumawag talaga siya. Pero ang kinagabihan niyan, 'yun yung time na talagang hiwalay na ako sa mga bata. Hindi ko sila nakikita. Dahil nga ayaw 'nung isa. Sabi niya, makikita mo lang yung mga bata kung babalik ka dito sa bahay," pagbabalik-tanaw ni Joel.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"I'm sorry we love the same man. Pero hindi ko na kayang makita siyang ganyan. Dahil sa mga bata, kaya pinababalik ko na siya diyan sa bahay niyo. Sana lang ayusin niyo ang hindi niyo mapagkasunduan," ang nasabi umano ng kanyang tinatawag na 'present wife' nang tumawag ito kay Grace.

Subalit isang text message ang nabasa ni Joel dahilan para umalis muli siya sa poder ni Grace.

Read also

Ivana, naikwentong may umaway umano sa kanya sa isang recent show

"Ang sabi ni Grace, look at this assh*le. He came back. I told you, he can't stand by himself. He still needs me," na labis umanong ikinasama ng loob ni Joel na hindi nagdalawang-isip na bumalik sa present wife niya kung saan mayroon na rin siyang isang taong gulang na anak.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan ni Ogie Diaz:

Si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay isang content creator sa YouTube na mayroon nang 2.14 million subscribers. Naakilala siya sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos na kahit nasa ibang bansa, proud pa rin ito sa kanyang mga gawaing Pinoy na Pinoy.

Samantala, si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctoral Degree in Nursing.

Read also

Andrea Brillantes, umalma sa mga komento sa kanyang date or pass vlog

Matatandaang nagbahagi si Miss Grace ng kanyang mga pictures sa kanyang social media account. Matapos nga silang maghiwalay ni Pambansang Kolokoy ay marami sa mga viewers ng vlog nila ni PK ang naghanap sa kanya. Dahil wala naman siyang sarili niyang YouTube channel ay minabuti na lang niyang ibahagi ang kanyang account sa Facebook at Instagram. Marami ang nakapansin sa kanyang blooming na awra sa kanyang mga pictures na binahagi.

Ilang linggo matapos ang kanilang hiwalayan, nagawa pa rin na mag-collab ng dalawa sa isang video. Subalit hindi na rin ito mapapanood ngayon sa kani-kanilang mga channel o social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel