Rendon Labador kay Ricci Rivero: "Puro ka porma, dugyot ka na, palamunin ka pa"

Rendon Labador kay Ricci Rivero: "Puro ka porma, dugyot ka na, palamunin ka pa"

- Naghayag din si Rendon Labador kaugnay sa isyu tungkol kina Andrea Brillantes at Ricci Rivero

- Aniya, kinampihan pa naman daw niya si Ricci nang sabihin niyang #CareerMunaBagoLandi

- Yun pala ay puro lang daw ito porma, dugyot at palamunin pa daw pala ito

- Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang pahayag ni Andrea Brillantes tungkol sa hindi na pinangalanang ex boyfriend

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Rendon Labador, kinampihan pa naman daw niya si Ricci Rivero nung una. Yun pala ay puro lang daw ito porma, dugyot at palamunin pa daw pala ito.

Rendon Labador kay Ricci Rivero: "Puro ka porma, dugyot ka na, palamunin ka pa"
Rendon Labador kay Ricci Rivero: "Puro ka porma, dugyot ka na, palamunin ka pa" (@rendonlabadorfitness)
Source: Instagram

Aniya pa, hindi siya deserve ni Andrea dahil wala pala itong pang laundry. Ito ang kanyang pahayag matapos mag-viral ang panayam ni Vice Ganda kay Andrea Brillantes kamakailan kung saan nabanggit nito ang tungkol sa kanyang ex na hindi na niya pinangalanan.

Read also

Rendon Labador kay Lea Salonga: "Napahiya yung fans mo eh"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang IG story ay sinabi din ni Rendon ay pinagtataka niya na sa dami ng binigay ni Andrea kay Ricci ay hindi pa daw nito binigyan ng washing machine si Ricci para kompleto na ang gamit nito.

Matatandaang nabanggit kasi ni Andrea na ang kanyang tip sa mga babaeng hirap na mag moveon na isipin ang mga bagay na nakaka-turn of sa ex. Binigay niyang halimbawa ay yung lalaking aniya ay isang taon nang hindi nagpapa laundry.

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Ayon pa kay Rendon, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Sinabi niya rin na siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin kahit ano pa man ang laman ng naturang envelop. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Read also

Andrea Brillantes: "When you seek God, you find peace"

Binahagi ni Rendon Labador ang post ng BITAG Multimedia Network kaugnay sa paglilinaw nito tungkol sa lumabas na Fake news. Ayon kay Rendon, dahil sa fake news na ito ay nalaman niyang may kapatid daw pala si Sen. Raffy Tulfo. Ang tinutukoy na fake news na ito ay ang napabalitang statement umano ng batikang journalist na si Ben Tulfo laban kay Rendon. Kasunod ito ng mga maanghang na pahayag ni Labador laban kay Michael V..

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel