Andrea Brillantes: "When you seek God, you find peace"

Andrea Brillantes: "When you seek God, you find peace"

- Ayon kay Andrea Brillantes, ang Diyos ang kanyang naging sandalan sa gitna ng kanyang pinagdaanan

- Aniya, naging mas malalim ang kanyang relationship sa Panginoon at ito ang nagbigay sa kanya ng peace of mind

- Naitanong sa kanya kung ano ang kanyang paraan ng pagharap sa mga pagsubok na pinagdaanan niya

- Matatandaang hindi nagsalita si Andrea kaugnay sa mga isyung pinupukol sa kanya nang madawit ang pangalan sa hiwalayang KathNiel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Andrea Brillantes na ang Diyos ang kanyang kinapitan sa gitna ng kanyang pinagdaanang pagsubok. Sa panayam ni MJ Felipe sa kanya, nabanggit niya na naging mas malalim ang kanyang relationship sa Panginoon at ito ang nagbigay sa kanya ng peace of mind.

Andrea Brillantes: "When you seek God, you find peace"
Andrea Brillantes: "When you seek God, you find peace"
Source: Instagram
“Puro lang po ako nagchu-church. And I was just strengthening my relationship with God. When you seek God, you find peace... I have peace of mind through Him.”

Read also

Andrew Schimmer, inaming minsang naging alcoholic nang pumanaw ang dating partner

Ito ang kanyang sagot nang tanungin kung paano niya hinarap ang mga pagsubok na pinagdaanan niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel