Xander Arizala, nilabas ang mga video daw ng kanyang kaibigan kasama si Gena Mago

Xander Arizala, nilabas ang mga video daw ng kanyang kaibigan kasama si Gena Mago

- Sinagot ni Xander Arizala ang komentong para lang sa content ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Gena Mago

- Aniya, sana nga ay content na lang o prank na lang ang lahat para hindi siya masyadong nasasaktan

- Binahagi niya ang mga video na magkasama si Gena at ang kaibigan niya na sinabihan niyang sana ay tapusin na niya ito at huwag ang asawa niya

- Matatandaang kamakailan lang nang sabihin ni Xander na hiwalay na sila ni Gena

Inilabas ni Xander Arizala, kilala rin bilang Xander Ford, ang ilang mga video na nagpapakita sa kanyang dating partner na si Gena Mago kasama ang kanyang kaibigan.

Xander Arizala, nilabas ang mga video daw ng kanyang kaibigan kasama si Gena Mago
Xander Arizala, nilabas ang mga video daw ng kanyang kaibigan kasama si Gena Mago
Source: Facebook

Ibinahagi ni Xander sa kanyang social media ang mga video matapos niyang sagutin ang isang komento na tumutukoy sa paghihiwalay nila ni Gena. Sa kanyang sagot, sinabi ni Xander na sana ay content o biro lamang ang lahat para hindi siya masyadong masaktan.

Read also

Marian Rivera, humingi ng dispensa matapos dalawang beses ma-mute ang TikTok video

Sa mga video na ibinahagi ni Xander, makikita ang kanyang dating partner na kasama ang isa sa kanyang mga kaibigan. Sinabihan niya ang kaibigan na sana ay tapusin na niya ang kanilang ugnayan at huwag ang kanyang asawa.

Matatandaan na kamakailan lang ay nagbigay ng pahayag si Xander na hiwalay na sila ni Gena Mago, na pinag-usapan sa social media.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Xander Ford ay ang dating pangalang ginamit ni Marlou Arizala, isang Filipino internet personality at dating miyembro ng grupong Hasht5. Noong 2017, nag-viral si Marlou Arizala matapos siyang sumailalim sa ilang cosmetic surgery procedures upang baguhin ang kanyang itsura. Matapos ang mga operasyon, nagdesisyon siyang gamitin ang pangalang "Xander Ford."

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Read also

Anthony Leodones at Jamie Bautista, muling nagkita matapos ang kanilang paghihiwalay

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel