Diwata, nagreact sa komento ni Ogie Diaz kaugnay sa kanyang pagkain

Diwata, nagreact sa komento ni Ogie Diaz kaugnay sa kanyang pagkain

- Naitanong kay Diwata ang tungkol sa komento ni Ogie Diaz tungkol sa komento ng kaibigan niyang hindi pasok sa kanilang panlasa ang pagkain sa paresan ni Diwata

- Ani Diwata, wala namang problema doon at pwede silang maghanap ng kainan na pasok sa panlasa nila

- Hindi naman daw niya pinipilit ang mga tao na kumain sa kanyang paresan

- Ang paresan ni Diwata na kilala bilang 'Diwata Pares Overload' ay kainan sa Pasay na pinipilahan na mga kustomer at maging ng mga vloggers

Sa isang pahayag, nagbigay ng reaksiyon si Diwata sa komento ni Ogie Diaz hinggil sa pagkain na inihahain sa kanyang paresan na umano ay hindi pasok sa panlasa ng kakilala ni Ogie.

Diwata, nagreact sa komento ni Ogie Diaz kaugnay sa kanyang pagkain
Diwata, nagreact sa komento ni Ogie Diaz kaugnay sa kanyang pagkain
Source: Facebook

Matatandaang kamakailan ay nabanggit ni Ogie sa kanyang YOuTube video na may kasamahan siyang nakatikim na ng pagkain sa paresan ni Diwata at hindi raw ito pasok sa panlasa nila. Gayunpaman, nilinaw ni Ogie na kanya-kanya talaga ng magugustuhan ang mga tao.

Read also

Nadine Lustre, inunahan na ang komento ng netizens: "Binasa yung kalsada para estetique"

Matapos ang mga tanong ng media sa isyu, sinabi ni Diwata na walang anumang problema sa komento na ito.

Ipinaliwanag niya na sa kanyang palagay, hindi dapat maging big deal kung mayroong mga tao na hindi nagugustuhan ang kanilang inihahain na pagkain. "Pwede naman silang maghanap ng ibang kainan na mas pasok sa kanilang panlasa," aniya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa ni Diwata, hindi naman niya layunin na pilitin ang mga tao na kumain sa kanyang paresan.

Sa halip, nagbibigay lamang siya ng opsiyon para sa mga gustong sumubok ng kanyang mga produktong pagkain.

Ang paresan ni Diwata, na kilala bilang 'Diwata Pares Overload', ay kinagigiliwan ng marami at patuloy na pinipilahan ng mga kustomer mula sa iba't ibang lugar. Bukod dito, kilala rin ang kanyang establisyemento sa pagiging paboritong destinasyon ng mga vlogger na nais subukan ang kanyang pares.

Read also

Gena Mago, naglabas ng video para ihayag ang panig sa paghihiwalay nila ni Xander Arizala

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Diwata para sa mga bashers niya na nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkain niya at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers niya. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinimok silang linilisin ang ugali ng mga ito. Binigyang-diin ni Diwata na ang kanyang layunin ay simpleng makabangon sa kahirapan.

Binahagi ni Alex Gonzaga ang pagpunta nila ni Mikee Morada sa sikat at pinipilahang Diwata Pares. Naroroon din ang may-ari nito na si Diwata at nakita ito sa video na binahagi ni Alex na tila galit. Dahil hindi pa buo at pasilip lamang ang binahagi ni Alex, may mga nakapag-isip na malamang ay na-prank ni Alex si Diwata kaya tila nakasimangot ito. Sa iba pang video na naibahagi online, nanlibre si Alex sa mga taong naroroon at nagbigay siya ng 50,000 pesos para ipangbayad sa pagkain ng mga naroroon at pumipila.

Read also

Ogie D, sa komento ng kaibigan sa pares ni Diwata: "di raw kasundo ng kanyang panlasa"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel