Cristy Fermin kay Paolo Contis: "Ikaw ang nagbukas ng pintuan para ikaw ay i-bash"

Cristy Fermin kay Paolo Contis: "Ikaw ang nagbukas ng pintuan para ikaw ay i-bash"

- Natalakay nina Cristy Fermin ang naging reaksyon ng kasalukuyang Eat Bulaga sa desisyon ng Intellectual Property Office of the Philippines

- Ito ay ang pagiging rightful owner ng titulong Eat Bulaga kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon

- Matatandaang si Paolo Contis ang nagsalita ng umano'y reaksyon ng programa sa naturang desisyon

- Dahil dito, muli na naman umanong inulan ng bash si Paolo at naungkat kontrobersiya nito sa 'di pagsustento sa mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin sa bagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang tungkol umano sa naging reaksyon ng kasalukuyang Eat Bulaga sa inilbas na desisyon ng Intellectual Property Office of the Philippines.

Cristy Fermin kay Paolo Contis: "Ikaw ang nagbukas ng pintuan para ikaw ay i-bash"
Isko Moreno at Paolo Contis (TAPE Inc.)
Source: Facebook

Nasasaad sa naturang desisyon na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang umano'y rightful owners ng Eat Bulaga gayundin ng EB.

Read also

Cristy, ibinahagi ang umano'y nasagap kaugnay sa hiwalayan ng Kathniel

Kaugnay nito, naihayag ng kasalukuyang Eat Bulaga ang kanila umanong apela sa naturang desisyon na agad namang inalmahan ng netizens.

"Mahaba pa po ang laban... Hindi pa po ito ang katapusan," ang umano'y naging bahagi ng pahayag ni Paolo Contis ukol dito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaugnay nito, ang mga netizens na rin umano ang nakapansin na isa umano ito sa dahilan bakit lalong hindi na maipanalo ng TAPE ang kanilang ipinaglalaban sa Eat Bulaga.

"Kaya nga ang tanong ng marami, kaya daw na-junk na naman, nabasura itong ikalawang apela baka sa buwisit na kay Paolo Contis," pagbabahagi ni Cristy sa umano'y reaksyon ng publiko sa isyung ito.

Dahil din umano sa pahayag na ito ni Paolo, muli na naman siyang naba-bash at nauungkat ang kontrobersiya ng hindi niya pagsusustento sa mga anak.

Read also

Joey De Leon sa It's Showtime: "Hi Vice! Love namin 'yun... Basta ABS-CBN, love ko”

"Ngayon tuloy Paolo, ikaw ang nagsimula. Ikaw ang nagbukas ng pintuan para ikaw ay i-bash. Ano ngayon ang sinasabi ng ating mga kababayan? Bago ka magsalita tungkol sa batas na wala kang alam, sustentuhan mo muna 'yung mga anak mo!"
"Dapat 'yan, nakalibing na 'yan e. E kaso, nagsimula ka na naman. O ayan, inuulaol ka na naman ng sumbat."

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Romel at Wendell Alvarez mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Paolo Contis ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at hanggang ngayon at aktibo pa rin sa showbiz. Katunayan, isa si Paolo sa napiling maging host ng Eat Bulaga matapos na umano'y lisanin nina Tito, Vic at Joey ang TAPE Inc. noong Mayo 31.

Naging kontrobersyal ang pahayag kamakailan ni Paolo kung saan nasabi niyang nasasaktan umano sila tuwing masasabihan ng Fake Bulaga matapos na pumalit sa Tito, Vic and Joey bilang host ng programa.

Read also

Ogie D sa buradong post ng ama ni Liza Soberano na umano'y puro mura: "Daddy 'wag ako"

Samantala, matatandaang naging usap-usapan din noon si Paolo dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes at labis ding gumawa ng ingay ang isyu sa pagiging ama ni Paolo na aminadong hindi nakapagbibigay umano ng sustento sa mga anak. Kabi-kabilang pambabatikos ang natamo ng aktor dahil dito at hanggang ngayon ay tila hindi pa rin humuhupa ang kontrobersiyang ito tungkol sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel