Donny, may nakakakilig na pasasalamat sa sumuporta sa CBML: "Labyu!"

Donny, may nakakakilig na pasasalamat sa sumuporta sa CBML: "Labyu!"

- Isang nakakakilig na pasasalamat ang handog ni 'Bingo' ng Can't Buy Me Love na si Donny Pangilinan

- Ito ay para umano sa mga sumuporta sa kanilang serye sa loob ng walong buwan

- Gumulantang sa publiko ang rebelasyon ng nasabing serye na hindi inaasahan ng karamihan

- Bukod tambalan nina Donny at Belle Mariano, sinubaybayan din ng mga manonood nila ang tamabalang "SnoRene"

May nakakakilig na mensahe ng pasasalamat ang nai-post ni Donny Pangilinan para sa mga supporters ng natapos nilang serye na Can't Buy me Love.

Donny, may nakakakilig na pasasalamat sa sumuporta sa CBML: "Labyu!"
Donny, may nakakakilig na pasasalamat sa sumuporta sa CBML: "Labyu!" (@donny)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post, nagbahagi rin siya ng ilang larawan nila ni Belle Mariano mula sa serye.

"For as long as we both shall live…” Maraming salamat po sa inyong suporta sa Can’t Buy Me Love. Labyu - Bingo" ang naging caption ng naturang post.

Matatandaang, Bingo ang pangalan ng karakter ni Donny sa serye na talaga namang minahal ng marami.

Read also

Cris Villanueva, viral ang post tungkol sa pag-deliver ng 'feathers'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, gumulantang sa mga manonood ang naging rebelasyon sa pagtatapos ng serye.

Maging ang nakatutuwang kinahinatnan ng love story nina Snoop at Irene na ginagampanan nina Maris Racal at Anthony Jennings ay kanila ring kinagiliwan.

Si Donato Antonio "Donny" Laxa Pangilinan ay isa sa mga kinikilalang mahuhusay na bagong aktor sa bansa. Bukod dito, isa rin siyang model, singer at VJ. Anak siya nina Anthony Pangilinan at aktres na si Maricel Laxa.

Nakilala si Donny sa pagganap nila ni Belle Mariano sa hit series na 'He's Into her'.Tumabo rin sa takilya ang pinakahuling pelikula nila na 'Love is color blind,' at 'An Inconvenient Love.'

Sa ngayon, pinakaaabangan ng marami ang bawat episode ng kanilang teleserye na Can't Buy Me Love. Kabi-kabilang mga haka-haka ang naglabasan sa kung paano magtatapos ang serye na hanggang ngayon ay patuloy na ginugulat ang kanilang mga manonood sa mga rebelasyon na kanilang inilalabas araw-araw.

Read also

Kaila Estrada, nagpasalamat sa mga sumuporta kay 'Bettina': "And sorry na rin"

Bukod sa DonBelle, isa rin sa inaabangan sa seryeng ito ay ang tambalang SnoRene nina Anthony Jennings at Maris Racal. Mula ito sa karakter nilang ginagampanan na sina Snoop at Irene. Marami ang naaliw sa makulit na tambalan ng dalawa. At ngayong magatatapos na ang serye kung saan nabuo ang kanilang love team, tinatawag naman sila ngayong 'MaThon' mula sa mga tunay nilang pangalan na Maris at Anthony.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel