Rosmar, personal na nag-abot ng tulong sa burol ng nanalo sa kanyang tattoo challenge

Rosmar, personal na nag-abot ng tulong sa burol ng nanalo sa kanyang tattoo challenge

- Kasama ang Team Malakas, nagtungo si Rosmar Tan-Pamulaklakin sa burol ng nanalo sa kanyang tattoo challenge

- Hindi pa man natutupad ang hiling nito gawin ni Rosmar sa tattoo, binawian na ito ng buhay

- Sa gitna ng kontrobersiyang kinahaharap ngayon ng Team Malakas, bumisita pa rin umano si Rosmar basabing burol

- Matatandaang nagpa-challenge si Rosmar na kung sino ang may pinakamagandang tattoo ng mukha niya, bibigyan niya ng Php50,000

Personal na dumalaw at nakiramay si Rosmar Tan at Team Malakas sa lalaking nagwagi sa kanyang Rosmar Tattoo Challenge.

Rosmar, personal na nag-abot ng tulong sa burol ng nanalo sa kanyang tattoo challenge
Rosmar kasama ang Team Malakas (Rosmarie Tan-Pamulaklakin)
Source: Facebook

Sinasabing naaksidente ang lalaki sakay ng kanyang motorsiklo sa Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite.

Naganap ito, isang araw matapos na i-anunsyo ni Rosmar na si "John Lloyd" ang nagwagi sa nasabing tattoo challenge.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng nakakaintrigang post na isang Japanese phrase

Ayon pa kay Rosmar, nagpaabot siya ng tulong sa naiwang pamilya ni John Lloyd at tinupad din niya ang hiling sana nito na ipa-pirma ang kanyang tattoo.

"Gusto daw ni kuya na pirmahan ko tattoo nya sa legs kaya pinirmahan ko nalang picture nya para tuparin ang last hiling nya bago sya mawala"

Kwento pa umano ng pamilya ni John Lloyd, hindi lamang sa pera kaya niya nagawang ipa-tattoo ang mukha ni Rosmar kundi kagustuhan niya talaga ito.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang nag-viral si Rosmar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Na sinundan naman ng kanya noong kakaibang restaurant kung saan super enjoy ang kanyang mga customers dahil tila nasa loob sila ng pet cage.

Read also

Lalaking nanalo ng 50K sa tattoo challenge ni Rosmar Tan, pumanaw!

Isa na siyang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters. Naglabas pa ng single si Rosmar kung saan kasama pa niya ang kanyang mister na si Nathan. Naging kontrobersyal ang naturang kantang "Manalamin" dahil sa lyrics nito.

Kamakailan, naging usap-usapan muli si Rosmar matapos nitong bigyan ng blessings ang social media personality na si Diwata. Sinasabing nasa milyon-milyon ang halaga ng lahat ng naibahagi ni Rosmar kay Diwata.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica