Ogie Diaz, nalaman sa source ang umano'y hiwalayang KimXi: "Siguro mga 2 months na"

Ogie Diaz, nalaman sa source ang umano'y hiwalayang KimXi: "Siguro mga 2 months na"

- Isa umanong common friend nina Ogie Diaz, Kim Chiu at Xian Lim ang nagsabing hiwalay na ang KimXi

- Ayon pa umano sa source na ito ni Ogie, tinatayang dalawang buwan na umano ang nakararan buhat ng tinapos ng dalawa ang kanilang relasyon

- Kaya naman masasabing nauna pa rin talaga ang paghihiwalay ng Kathniel

- Gayunpaman, mainam pa rin na hintayin ang kumpirmasyon ng dalawa lalo na umano si Kim na pinoproseso pa raw ang mga pangyayari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isiniwalat umano ni Ogie Diaz ang nalaman niya isa isang common friend nila nina Kim Chiu at Xian Lim na hiwalay na nga talaga ang dalawa.

Ogie Diaz, nalaman sa source ang umano'y hiwalayang KimXi: "Siguro mga 2 months na"
Xian Lim and Kim Chiu (@xianlimm)
Source: Instagram

Ayon sa naturang source na kanilang kaibigan, tinatayang nasa dalawang buwan na buhat nang tapusin ng KimXi ang kanilang 12 taon na relasyon.

Read also

Miles Ocampo, pinagpawisan matapos kantiyawan ng kasamahan sa usaping pakikipagbalikan

"A friend of mine, and a friend of Xian and Kim Chiu told me na totoong hiwalay na si Kim Chiu at si Xian Lim."
"Di lang maamin ni Kim Chiu kasi nga pinoproseso pa ni Kim Chiu. At si Xian Lim din hindi mo maasahan syempre na magkomento or magbigay ng statement tungkol dito."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

'Naku ang pagkakaalam ng friend ko, nauna ang Kathniel bago sila... naghiwalay"
"Siguro mga 2 months na. Pero syempre kino-qoute ko lang 'yung friend ko na yun ang sabi"

Sinabi rin umano ng source na walang third party sa hiwalayang KimXi.

"Sabi ng friend ko, wala naman daw 3rd party. It's just that parang walang mga plano si Xian sa kanilang 12 years na relationship. Parang hindi niya priority. Parang naghihintay lang si Kim Chiu ng proposal dahil 12 years na sila e"

Read also

Video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event, viral

Gayunpaman, sinabi rin ni Ogie na mas mainam na hintayin din mismo ang kumpirmasyon ng dalawa tungkol dito.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz mula sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update Youtube channel:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Sa isang post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Naging matunog din kamakailan ang hiwalayan nina Kim at Xian Lim. Halos kasabayan ito ng kontrobersyal na paghihiwalay ng Kathniel. Gayunpaman, wala paring kumpirmasyon mismo mula kina Kim at Xian tungkol dito.

Read also

Cristy, ibinahagi ang umano'y nasagap kaugnay sa hiwalayan ng Kathniel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel