Cristy, ibinahagi ang umano'y nasagap kaugnay sa hiwalayan ng Kathniel

Cristy, ibinahagi ang umano'y nasagap kaugnay sa hiwalayan ng Kathniel

- Naikwento nina Cristy Fermin at Romel Chika sa Showbiz Now Na! ang nasagap kaugnay sa hiwalayan ng Kathniel

- Ani Cristy, nakarating lamang ito sa kanila at nasa Kathniel pa rin kung kanila itong aaminin o pabubulaanan

- Sa detalyeng naibigay ni Romel Chika, sinasabing hindi lamang umano isang beses na napag-alamang sa ibang lugar pumunta si Daniel

- Napag-alaman 'di umano ito ni Kathryn dahil sa umano'y locator na nailagay kay Daniel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang tungkol pa rin sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Cristy, ibinahagi ang umano'y nasagap kaugnay sa hiwalayan ng Kathniel
Cristy, ibinahagi ang umano'y nasagap kaugnay sa hiwalayan ng Kathniel (@supremo_dp)
Source: Facebook

May nakarating umanong kwento kay Cristy na sinasabing rason ng paghihiwalay ng dalawa.

"Eto po ang mga kwento. Ito po ay nakarating sa amin na gusto naman po naming ibahagi sa inyo. Pero po ang detalye, sila po ang nakakaalam kung ano ang katotohanan. Sila po ang makapagsasabi kung totoo itong kwento na itatawid namin sa inyo," panimula ni Cristy.

Read also

Cristy Fermin kay Paolo Contis: "Ikaw ang nagbukas ng pintuan para ikaw ay i-bash"

"'Di ba ang mga telepono ngayon may locator? Hindi ba ang misis na nagdududa tungkol sa pangangaliwa ng mister niya naglalagay pa nga nga devices doon sa ilalim ng kotse? Ano ang nangyari sa locator anak?" at ipinadetalye niya kay Romel Chika ang naturang kwento.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Dahil syempre, may pagdududa nang nagaganap, may mga nakakarating na, meron pala itong locator. Na kung saan pupunta si Daniel, malo-locate niya kung nasaan at masusundan," ani Romel.

Sinasabing hindi lamang umano isa ang sinasabing involved sa isyu na ito kaugnay ng locator. Sinasabi rin na inamin umano ito ni Daniel kaya raw ito nagso-sorry.

"Ang sabi, oo daw. kaya ganoon na lamang yung pagtitimpi. Tinitimpi, inaayos niya yung sarili niya kung paano niya itatawid, alam na niya kaya nagso-sorry, kaya umiyak," dagdag pa ni Romel.

Read also

Ogie sa hinaing nina Kier at Dennis sa kanilang mga anak: "Ang masisisi dito si Marjorie"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersiya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

At nito lamang Nobyembre 30, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel