Donita Nose, sinabing hindi siya natatakot kay Super Tekla

Donita Nose, sinabing hindi siya natatakot kay Super Tekla

- Naibahagi ni Donita Nose ang isang video bilang tugon sa video na nilabas ni Super Tekla kamakailan

- Matatandaang sa video ni Super Tekla ay sinabihan niya si Donita na parang lata dahil maingay umano ito at walang laman

- Hinamon din siya ni Super Tekla na ilabas na nito kung ano ang gusto niyang ilabas

- Buwelta naman ni Donita, hindi siya natatakot kay Super Tekla at sinabihan niya ang dating ka-tandem na maghintay lang at may ilalabas umano siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa video na nilabas ni Donita Nose, sinagot niya ang panghahamon ni Super Tekla tungkol sa umano'y banta ni Donita na ilalabas niya. Aniya, hindi siya natatakot kay Super Tekla at sinabihan niya ang dating ka-tandem na maghintay lang at may ilalabas umano siya.

Donita Nose, sinabing hindi siya natatakot kay Super Tekla
Donita Nose, sinabing hindi siya natatakot kay Super Tekla (@donitanose)
Source: Instagram

Sa naunang video ni Super Tekla ay hinamon nito su Donita na huwag nang magparinig at ilabas na lang kung may ilalabas siya. Sinabihan din niya si Donita na parang lata dahil maingay umano ito at walang laman.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi pa rin malinaw sa mga netizens kung totoo ang awayan ng dalawa o paraan lamang nila ito para muling umingay ang pangalan ng tandem nila na DonEkla in Tandem.

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla. Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Matatandaang tuluyang nakapaglipat ng bahay si Donita Nose matapos ang pagsasapubliko nila ni Super Tekla na maghihiwalay na sila sa paggawa ng vlog at maging ng bahay. Naikwento ni Donita na tapos na ang kontrata ng naunang bahay na tinitirhan nilang magkasama. Noong una umano ay parehas nilang napagpasyahan na maghanap ng bahay kung saan magsasama pa rin uli sila. Gayunpaman, hindi na umano pumirma si Super Tekla pagdating ng kontrata para sana sa bahay na kanilang lilipatan.

Aminado ang isa pang ka-tandem ni Super Tekla na si Boobay na naawa umano siya kay Tekla. Sa katunayan ay pinayuhan umano niya ito na ipagtanggol naman ang sarili niya kay Donita Nose. Dagdag pa ni Boobay, sana ay huwag lang puro katamaran ang pansinin kay Tekla at sana ay bigyan din ng importansiya ang ambag nito sa kanilang samahan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel