Ogie sa hinaing nina Kier at Dennis sa kanilang mga anak: "Ang masisisi dito si Marjorie"

Ogie sa hinaing nina Kier at Dennis sa kanilang mga anak: "Ang masisisi dito si Marjorie"

- Natalakay nina Ogie Diaz ang umano'y isyu nina Kier Legaspi at Dennis Padilla sa kanilang mga anak

- Kamakailan ay naglabas na rin ng saloobin si Kier patungkol sa anak kay Marjorie Barretto na si Dani

- Tila pareho na umano ang sitwasyon nina Dennis at Kier na hindi na umano nakakausap ang mga anak kay Marjorie

- Dahil dito, maari umanong masisi si Marjorie sa naturang sitwasyon ayon kay Ogie Diaz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa pinakabagong episode nila ng Ogie Diaz Showbiz Update ay ang tungkol sa naging pahayag kamakailan ni Kier Legaspi patungkol sa kanyang anak na si Dani Barretto.

Ogie sa hinaing nina Kier at Dennis sa kanilang mga anak: "Ang masisisi dito si Marjorie"
Marjorie Barretto (Marj Barretto)
Source: Instagram

Tila pareho umano sila ng lagay ni Dennis Padilla na wala na umanong komunikasyon sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.

Read also

Cristy Fermin, may espekulasyon sa pakikipag-meet ni Karla Estrada sa abogado

"Hindi natin alam talaga ang kwento ng mga anak o yung encounters nila o para sa kanila, ito yung nangyari, ito yung totoo... Na ito yung naganap between them at sa kanilang ama," ani Ogie.
"Syempre, magkaiba naman si Dennis at si Kier. Posibleng yung isa, ayaw nilang makita, yung isa okay. So ito pareho. Pareho silang naghahabol," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

At dahil pareho umano ang sitwasyon nina Kier at Dennis pagdating sa kanilang mga anak, hindi malayong masisi umano si Marjorie sa nangyayari.

"Ang masisisi na naman dito si Marjorie Barretto. Syempre noon pa, tinutulak ng mga tao si Marjorie na, "Marjorie, bakit hindi mo pahintulutan yung mga anak mo na kitain yung tatay nila?" Sila yung may relasyon bilang mag-aama. Hindi ikaw. Syempre ganon na naman ang sasabihin nila. Na hindi mo dapat pinapakialaman yung relasyon ng anak sa ama niya. Kung kayo ng ex mo ang may isyu, isyu niyo yun, wag niyong idadamay yung bata. Pero si Marjorie bilang ina, alam niya kung ano ang totoo sa kwentong ito."

Read also

Ogie D sa buradong post ng ama ni Liza Soberano na umano'y puro mura: "Daddy 'wag ako"

Narito ang kabuuan ng pahayag nina Ogie ukol sa isyung ito:

Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Kinalaunan ay sumagot si Leon sa pamamagitan ng isang open letter. Pinaliwanag niya ang kanyang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya nagawang batiin ang ama. Naitanong niya rin dito kung bakit kinakailangang pahiyain ni Dennis ang anak sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel