Cristy Fermin, may espekulasyon sa pakikipag-meet ni Karla Estrada sa abogado

Cristy Fermin, may espekulasyon sa pakikipag-meet ni Karla Estrada sa abogado

- Ibinahagi ni Cristy Fermin ang mga napapabalitang isyu tungkol kay Karla Estrada

- Ang mga ito umano ay iniuugnay pa rin sa pagtatapos ng relasyon nina Kathryn Bernardo at anak ni Karla na si Daniel Padilla

- Ani Cristy, kailangan umanong ipaliwanag na lamang ni Karla ang tungkol dito gayung wala namang mali sa napapabalitang ginagawa nito

-Nobyembre 30 nang kumpirmahin mismo ng Kathniel ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng kani-kanilang socmed post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiabahagi ni Cristy Fermin ang tungkol umano sa kabi-kabilang isyu patungkol kay Karla Estrada.

Cristy Fermin, may espekulasyon sa pakikipag-meet ni Karla Estrada sa abogado
Cristy Fermin, may espekulasyon sa pakikipag-meet ni Karla Estrada sa abogado (Karla Estrada)
Source: Facebook

Ani Cristy, may kaugnayan 'di umano ang mga isyung ito sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at anak ni Karla na si Daniel Padilla.

"May kwento tungkol sa mga utang 'di ba? Tapos 'yung pinagsosyohan na negosyo naghihiwalayan na di ba? Pero may lumutang na kwento, ito lumutang itong kwentong 'to pinagpipistahan talaga ngayon na 'di umano'y may utang si Karla Estrada sa pamilya ni Kathryn," ani Cristy.

Read also

Cristy, sa madalas na papuri kay Alden: "Hindi po kami bayaran ni Alden Richards"

"Lumaki nang lumaki ang mga kwento. Hanggang sa kumakalat na 'di umano'y may inuutangan si Karla Estrada 2 million, 3 million na kumakalat din. Kaya ang sabi ng iba, ay kaya siguro nangungutang ito sa iba, pambayad sa pamilya ni Kathryn," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nabanggit din ni Cristy na pawang nakatutok si Karla sa mga isyung ito na siyang dahilan sa pagkonsulta niya sa kanyang abogado.

"'Yan ang mga kwento na tinututukan ngayon ni Karla at papaabogado raw niya. 'Yung nagkakalat ng mga isyu na ganyan. Wala tayong magagawa e yan yung mga kumakalat na isyu talaga."

Gayunpaman, tila pinayuhan pa nito si Karla na magpaliwanag na lamang ukol sa mga isyung ito. Nagtataka lamang daw ang publiko na sakaling totoo, bakit kailangan pang manghiram ni Karla sa kabila ng maayos na estado ni Daniel at maging siya ay may sariling mga proyekto muli.

Read also

Cristy sa umano'y nasaksihan ng source: "Si Daniel, nagkamot ng ulo at nagdabog"

"Kailangan dito ay isang magandanag pagpapaliwanag. Pati yung kwentong nangungutang ka kung kani-kanino, kailangan mong ipaliwanag yun."
"Unang-una, walang masama sa pangungutang. Ang pinakamahalaga, kung nangungutang ka, nagbabayad ka, yun ang maayos. At walang pakialam ang ibang tao kung nangungutang ka man dahil ikaw naman ang magkakabyad. Kaya hindi kahiya-hiya yan"
"Kaya ang tanong lang ng marami, bakit kasi nangungutang si Karla samantalang kumikita naman yung anak niya at may sarili na rin siyang kita."

Nabanggit din ni Cristy tungkol sa mga naipundar ni Daniel.

"Pero may mga naipundar naman. Nakapagpatayo naman si Daniel ng bahay. Nakabili ng magagarang sasakyan. Nasusunod naman ang luho ng kanyang katawan kaya lang, hindi liquid. Walang naiipon. 'Yun ang kwento"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Karla Estrada ay isang aktres, singer at TV host sa Pilipinas. Siya ang ina ng aktor na si Daniel Padilla. Isa si Karla sa orihinal na mga hosts ng programang Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Read also

Ogie Diaz, nakausap si Ian Veneracion: "Nakaganda pa yata yung nasulat sa kanya"

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersya ang Kathniel matapos maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

At sa pagtatapos nga ng buwan ng Nobyembre ngayong taon, mismong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan. Marami ang nalungkot sa balitang ito. Maging si Boy Abunda ay aminadong isang Kathniel fan na naiyak bilang fan at bilang isang kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel