Diwata, naikwentong tauhan na niya ngayon ang umano'y nanaksak sa kanya noon

Diwata, naikwentong tauhan na niya ngayon ang umano'y nanaksak sa kanya noon

- Naikwento ni Diwata kay Toni Gonzaga ang tungkol sa isa sa kanyang mga tauhan sa paresan

- Aniya, ito ang taong nakaalitan niya noong sila'y naninirahan pa sa ilalim ng tulay

- Nilarawan niyang naka-move on na umano sila sa pangyayari

- Kaya ngayon, natutulungan na niya ito sa pang-araw araw na pagkakakitaan

Isa sa natalakay ni Diwata sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ay ang tungkol sa isa niyang tauhan sa paresan.

Diwata, naikwentong tauhan na niya ngayon ang umano'y nanaksak sa kanya noon
Diwata, naikwentong tauhan na niya ngayon ang umano'y nanaksak sa kanya noon
Source: Youtube

Nausisa ito sa kanya ni Toni, kung totoong ang taong nanaksak sa kanya noon ay nabigyan pa niya ng tranaho ngayon.

"Naka-move on na kaming lahat. Nasa akin na ngayon," ani Diwata na nilarawan ang sitwasyon nila ngayon ng taong nanakit sa kanya noong nakatira sa sila sa ilalim ng tulay.

"Kasi, kaya sila napunta doon sa tulay, dahil sa akin. Ako nagpatira sa kanila. Kasi sa kalsada lang kami nagkakila-kilala. Pero kung may mga bisyo kayo, para hindi naman ako madamay, umalis na lang kayo," paglalahad ni Diwata

Read also

Dagul, dalawang linggo nang nasa ospital at kailangan umano ng tulong ayon kay Ogie D

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Dumating sa point na nagkasakitan, nasugatan ako dito," giit pa niya.

Taong 2016 pa umano ito naganap at nagkapatawaran na sila sa nangyari.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Diwata mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube channel:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Matatandaang nagbigay ng mensahe si Diwata sa kanyang mga bashers na nagsasabi ng hindi kagandahang mga salita tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkaing kanyang inihahanda at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers na ito. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinikayat silang linilisin ang ugali ng mga ito. Aniya simple lang ang kanyang layunin at ito ay ang makabangon sa kahirapan.

Read also

Ogie Diaz: "Gaano katotoo na si Ellen Adarna ay buntis na?"

Kamakailan, matatandaang napanood na si Diwata sa FPJ Batang Quiapo. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Diwata na muli pa rin siyang mapapanood sa serye subalit hindi na siya nagbigay ng iba pang mga detalye.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel