Yasmien Kurdi, nagluwal ng pangalawang anak sa pamamagitan ng caesarean section

Yasmien Kurdi, nagluwal ng pangalawang anak sa pamamagitan ng caesarean section

- Nagsilang si Yasmien Kurdi ng pangalawang anak nila ng asawa niyang si Rey Soldevilla

- Sa kanyang post ay naibahagi niyang sumailalim siya sa caesarian section sa kabila ng kanyang kagustuhang makapanganak nang normal

- Hindi na nila itinuloy ang nais nila na natural childbirth dahil maari itong maging mapanganib sa kanilang mag-ina

- Napag-alamang cord coil ang bata nang sumailalim sa operasyon si Yasmien

Ipinanganak ni Yasmien Kurdi ang kanyang pangalawang anak sa pamamagitan ng ceaisarian section. Sa kanyang post ay binahagi niya ang kanyang birth story.

Yasmien Kurdi, nagluwal ng pangalawang anak sa pamamagitan ng caesarean section
Yasmien Kurdi, nagluwal ng pangalawang anak sa pamamagitan ng caesarean section
Source: Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ng Kapuso actress ang mga larawan ng proseso. Aniya, ninais niyang ipanganak nang normal ang anak nila pero matapos magpasuri ay minabuti nilang mag-cs na lang upang maiwasan ang panganib.

I wanted to have VBAC or Normal delivery this time on my 2nd pregnancy. After series of tests nalaman namin na manipis pa din pala ang CS scar ko even after 11 years - not a good indication. Di na namin itinuloy because of many high-risk possible scenarios and we opted for CS the day I labored.

Read also

Alex Gonzaga, sumabak sa Asoka Makeup Trend na may twist ng katatawanan

Napag-alamang cord coil ang bata nang sumailalim sa operasyon si Yasmien. Ang cord coil ay kung saan ang umbilical cord ay kumikiling sa leeg ng sanggol sa loob ng sinapupunan, na maaaring magdulot ng komplikasyon sa normal na panganganak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpasalamat si Yasmien sa kanyang mga doktor sa pag-aalaga sa kanya at sa kanyang sanggol sa panahon ng kanyang proseso.

Si Yasmien Yuson Kurdi-Soldevilla ay sumikat bilang isang pop singer, songwriter, actress at model. Kabilang siya sa final four ng unang season ng reality-based talemt search sa GMA na Starstruck. Tinanghal siyang first runner-up sa naturang show.

Kabilang si Yasmien sa mga artistang nagdalamhati sa pagpanaw ng news anchor na si Mike Enriquez. Nagbigay-pugay si Yasmien sa beteranong broadcaster sa pamamagitan ng isang Facebook post. Nabanggit niya ang tungkol sa magandang katangian ni Mike. Aniya, nagfi-fist bump pa ito sa kanya pag nakakasalubong niya sa lobby.

Read also

Jackie Forster, ibinida ang husay sa pagkanta ng anak na si Caleigh

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Yasmien ang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. Buntis siya sa pangalawang anak nila ng kanyang asawang si Rey Soldevilla Jr. Sa kanyang post ay binahagi niya ang kanilang family picture kasama ang sonogram ng kanilang baby.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel