Miles Ocampo, pinagpawisan matapos kantiyawan ng kasamahan sa usaping pakikipagbalikan

Miles Ocampo, pinagpawisan matapos kantiyawan ng kasamahan sa usaping pakikipagbalikan

- Kinaaliwan si Miles Ocampo sa isang episode ng "EAT" kung saan nakantiyawan siya ng kanyang mga kasamahan tungkol sa usapin tungkol sa pakikipagbalikan

- Ani Jose Manalo, ganun daw ang mga babae, konting panunuyo lang daw ay bumibigay na

- Kinantiyawan naman ni Jose si Miles at tinanong siya kung first love daw ba niya

- Pinagpawisan naman si Miles sa pangangantiyaw nina Jose, Bossing Vic Sotto, Allan K at maging ni Joey Marquez

Pinagpawisan si Miles Ocampo sa pangangantiyaw ng kanyang mga kasamahan sa Eat Bulaga! Ito ay mapag-usapan nila ang tungkol sa pakikipagbalikan.

Miles Ocampo, nakatantiyawan ni Jose tungkol sa usapin tungkol sa pakikipagbalikan
Miles Ocampo, nakatantiyawan ni Jose tungkol sa usapin tungkol sa pakikipagbalikan
Source: Facebook

Habang nasa isang segment ng naturang noontime show nabanggit ni Jose Manalo na nangyayari daw talaga ang pagbabalikan lalo daw at ang ibang babae ay nadadala sa konting pagsuyo at pangakong hindi na uulit.

Kinalaunan ay hiningian pa siya ng mensahe kahit pasimpleng umiiwas si Miles.

Read also

Ogie Diaz, nilinaw na wala siyang galit kay Bea Alonzo: "Feeling lang yon ng iba"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Camille Tan Hojilla o mas kilala bilang si Miles Ocampo ay isang Filipina actress, model, writer at TV host. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN youth-oriented gag show na Goin' Bulilit. Bago siya naging CAM talent isa siyang Star Magic talent. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.

Matatandaang hindi napigilan ni Miles na maluha dahil sa kabi-kabilang papuring natatanggap niya sa pagganap sa 'Batang Quiapo'. Matatandaang sa Pilot episode ng nasabing serye, isa sa binigyang puri ang husay sa pag-arte ni Miles. Aniya, weakness niya raw umano ang mga nagsasabing na-appreciate siya ng mga tao lalo na at binibigay niya talaga ang lahat pagdating sa pag-arte. Talagang nagtrending ang kanyang pagganap na serye na hanggang ngayon, nakababasa pa rin umano siya ng mga papuri sa kanya sa Batang Quiapo.

Matatandaang naibahagi ni Miles sa kanyang guesting sa 'Magandang buhay' ang naging health emergency niya kung saan kinailangan niyang magpaopera. Ani Miles, mabuti at naagapan niya at nakapagpaopera kaagad dahil maari umanong lumala ang kanyang kondisyon na may kinalaman sa kanyang thyroid. Naging palaisipan umano sa kanya noong palagi siyang hinihingal at nadadagdagan ang timbang niya kahit aniya ay ginagawa naman niya ang dapat niyang gawin. Kaya naman, napagpasyahan niyang magpasuri at doon nasabi sa kanya na kailangan niya nang magpaopera kaagad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel