Dennis Padilla, may bagong liham para kay Julia: "Miss ko lang talaga 'yung mga anak ko"

Dennis Padilla, may bagong liham para kay Julia: "Miss ko lang talaga 'yung mga anak ko"

- May bagong liham si Dennis Padilla para sa anak na si Julia Barretto

- Naibahagi niya ito kay Ogie Diaz at pinahintulutan niya itong maibahagi sa Ogie Diaz YouTube channel

- Sa naturang liham, nabanggit ni Dennis na taong 2006 o 2007 pa nang makasama niya ang mga anak sa mahahalagang okasyon tulad ng Kapaskuhan

- Nabanggit din ni Dennis na maging ang kanyang 80-anyos na ina ay nagnanais na ring makita muli ang mga apong sina Julia, Claudia at Leon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang umano'y bagong liham ni Dennis Padilla para sa anak niyang si Julia Barretto na tinatawag niyang Juy.

Dennis Padilla, may bagong liham para kay Julia na ibinahagi ayon kay Ogie Diaz
Dennis Padilla and Julia Barretto (@denisastig)
Source: Youtube

Ani Ogie, pinahintulutan umano siya ni Dennis na ibahagi ang nilalaman ng sulat na pawang hinaing ng pagnanais na muling makasama ang kanyang mga anak.

Read also

Leren Mae, ipinaliwanag ang viral Christmas tree post: "We're just making fun of us na lang"

"Ang sabi ni Dennis, November 24, 2023... Anak, never imagined that I won't be able to spent Bdays Xmas and New Year eve's with you and the rest of your sisters and brothers," ani Ogie Diaz na binasa ang unang bahagi ng liham ni Dennis.

Matatandaang matagal-tagal nang panahon nang maghiwalay sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na ina nina Julia, Claudia at Leon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabanggit din umano ni Dennis na nami-miss na ng kanyang 80-anyos na ina na si Catalina Baldivia ang mga apo na nais na rin nitong makita.

"Maututuwa rin ako siguro kung nagkapatawaran 'yung mag-aama. sa tulong na rin siyempre ng inang si Marjorie Barretto," ani Ogie na nais na rin na magkaayos sina Dennis at ang mga anak nito

"Sana maayos ang gusot na gawa ng nakaraan,"dagdag pa nito.

Read also

Rosmar, 'di ganon kalakas ang Php5 million na kita a day: "Pumapalo po ng Php13M"

Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Kinalaunan ay sumagot si Leon sa pamamagitan ng isang open letter. Pinaliwanag niya ang kanyang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya nagawang batiin ang ama. Naitanong niya rin dito kung bakit kinakailangang pahiyain ni Dennis ang anak sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel