Rosmar, 'di ganon kalakas ang Php5 million na kita a day: "Pumapalo po ng Php13M"

Rosmar, 'di ganon kalakas ang Php5 million na kita a day: "Pumapalo po ng Php13M"

- Naikwento ni Rosmar Tan Pamulaklakin na tila hindi pa umano malakas ang Php5 million a day na kitaan

- Aniya, pinakamalakas niyang kita ang Php13 million sa loob lamang ng isang araw

- Ito umano ang naging daan para makabili siya ng mga ari-arian na hindi niya inutang at talagang binayaran ng cash

- Sa ngayon, isa si Rosmar sa maituturing na matagumpay na CEO at content creator sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nabanggit ni Rosmar Tan Pamulaklakin ang pinakamalaking kita niya umano sa isang araw.

Rosmar, 'di ganon kalakas ang Php5 million na kita a day: "Pumapalo po ng Php13M"
Rosmar (Rosmar Tan Pamulaklakin)
Source: Facebook

"Kumikita ka raw ng 5M a day," pag-uusisa ni Toni Gonzaga kay Rosmar.

"'Yun po yung medyo mahina na ako 'nun," paglilinaw ni Rosmar na ikinagulat ni Toni at sinabing, "Mahina 'yung 5M a day, magkano 'yung pinakamalakas?"

Read also

Rosmar, naikwento ang tungkol sa asong may galis na tila simula ng kanyang skincare business

"May time po na kasagsagan ng sobra-sobrang lakas po, pumapalo po minsan ng Php13 (million) ganon," ani Rosmar at nilinaw niyang kasama na raw doon ang puhunan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil dito, parami na ng parami ang properties ni Rosmar gayundin ang kanilang sportscar na cash pa nilang binibili gayung wala raw siya talagang utang.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Rosmar mula sa Toni Gonzaga Studios YouTube channel:

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang nag-viral si Rosmar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Na sinundan naman ng kanya noong kakaibang restaurant kung saan super enjoy ang kanyang mga customers dahil tila nasa loob sila ng pet cage.

Read also

Kaila Estrada, sa amang si John Estrada: "Ito 'yung hinahanap namin noon pa"

Sa ngayon, isa na siyang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters. Naglabas pa ng single si Rosmar kung saan kasama pa niya ang kanyang mister na si Nathan. Naging kontrobersyal ang naturang kantang "Manalamin" dahil sa lyrics nito. Sa ngayon, mayroon nang milyon-milyong views ang music video nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel