Boobay, nagbigay ng mensahe matapos siyang himatayin sa isang out-of-town show

Boobay, nagbigay ng mensahe matapos siyang himatayin sa isang out-of-town show

- Naglabas ng pahayag si Boobay sa pamamagitan ng The Boobay and Tekla Show Facebook page

- Kaugnay ito sa kanyang pagkakahimatay sa isang out-of-town show na nakuhanan pa ng video sa isang live stream

- Nagpasalamat si Boobay sa lahat ng taong nag-alala para sa kanya at sinabing okay na okay siya

- Paliwanag niya, hinimatay lamang daw siya dahil sa malakas na ilaw sa naturang event

Naglabas ng pahayag si Boobay sa pamamagitan ng The Boobay and Tekla Show Facebook page kung saan ipinaliwanag niya ang kanyang kalagayan. Sa video, ipinaalam niya sa kanyang mga tagahanga na ang pagkahimatay niya ay dulot lamang ng malakas na ilaw sa stage.

Boobay, nagbigay ng mensahe matapos siyang himatayin sa isang out-of-town show
Boobay, nagbigay ng mensahe matapos siyang himatayin sa isang out-of-town show
Source: Facebook

Aniya, walang dapat ipag-alala ang mga ito dahil siya ay okay na at handang harapin ang mga susunod na pagtatanghal.

Sa kabuuan ng kanyang pahayag, ipinaabot ni Boobay ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nag-alala at nagbigay ng suporta sa kanya. Binati rin niya ang bayan ng Aparri sa kanilang ika-344 na taong pagkakatatag at inaasahan na makabalik pa siya sa lugar para sa susunod na pagtatanghal.

Read also

Gigi De Lana, emosyonal na binahaging nasa ICU ang nanay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang insidenteng ito ay agad na nag-viral sa social media, na nagdulot ng samu't-saring reaksyon mula sa mga tagahanga at netizens. Subalit sa kabila ng mga pangyayari, patuloy pa rin ang suporta at pagmamahal ng mga taga-industriya at mga tagahanga kay Boobay, na patuloy na nagpapatawa at nagbibigay-saya sa maraming Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga natatanging talento sa komedya.

Si Norman Balbuena o mas kilala bilang si 'Boobay' ay isang komedyante, television host, at performer. Naging regular host din siya ng programang, “Celebrity Bluff” gayundin ng programa nila ni Super Tekla ang "The Boobay and Tekla Show".

Matatandaang sa programang "Fast Talk with Boy Abunda" nakita rin kung paano siya tila nablangko at wala nang nasabi sa kalagitnaan ng panayam. Paliwanag ni Boobay, lifetime na umano ang nangyayaring seizure sa kanya. Kaugnay nito, mayroon na siyang medikasyon para rito upang hindi dumalas ang mga pangyayaring ito.

Read also

Dianne Medina sa komentong hambugera siya: "Napilitan na lang akong i-post"

Sa naturang panayam din sa kanya ni Ogie Diaz, emosyonal niyang naibahagi kung paano naging daan si Marian Rivera upang magbalik-loob siya sa Diyos. Aminado kasi si Boobay na sa dami ng kanyang pagsubok na pinagdaraanan, minsan na niyang nakuwesiyon ang Panginoon kung bakit tila sunod-sunod itong nangyayari sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel