Gigi De Lana, emosyonal na binahaging nasa ICU ang nanay niya

Gigi De Lana, emosyonal na binahaging nasa ICU ang nanay niya

- Binahagi ni Gigi De Lana ang kanyang mensahe kaugnay sa pinagdadaanan niya sa gitna ng pagkakasakit ng ina

- Aniya, nasa ICU ang kanyang nanay at lumalaban para mabuhay at hindi niya alam kung nandun pa ang nanay niya pag-uwi niya

- Payo niya sa nakikinig sa kanya, ipadama ang pagmamahal sa mga taong mahalaga sa buhay dahil may mga bagay daw siyang pinagsisihan na hindi niya nagawa sa nanay niya

- Matatandaang nabahagi ni Gigi sa mga naunang panayam sa kanya na mayroong cancer ang kanyang ina

Hindi napigilan ni Gigi De Lana na magbahagi ng kanyang nararamdaman bago ang kanyang pagtatanghal. Sa isang emosyonal na pahayag, ibinahagi niya ang pangyayari kaugnay ng pagkakasakit ng kanyang ina.

Gigi De Lana, emosyonal na binahaging nasa ICU ang nanay nya
Gigi De Lana, emosyonal na binahaging nasa ICU ang nanay nya
Source: Facebook

Ayon sa kanya, kasalukuyang nasa ICU ang kanyang ina at patuloy na lumalaban para sa kanyang buhay. Dagdag pa niya na hindi niya alam kung sakaling maging maayos ang lagay ng kanyang ina pag-uwi niya.

Read also

Boobay, nagbigay ng mensahe matapos siyang himatayin sa isang out-of-town show

“My mom is at the ICU now. If you have seen my Stories, meron dung prayer. If you wanna pray for my mom, you can pray for her if you want. She’s fighting for her life now. And I don’t know if pag-uwi ko, andun pa siya. But I really wish she will be there. I really wanna hug her and kiss her.

Sa kabila ng pagsubok na ito, nagbigay si Gigi ng mahalagang paalala sa kanyang mga tagasuporta. Pinayuhan niya ang lahat na ipadama ang pagmamahal sa mga mahal sa buhay, dahil ayon sa kanya, may mga bagay siyang pinagsisihan na hindi niya nagawa para sa kanyang ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Just love. Para hindi ka rin mag-regret. Because now, I’m regretting things that I didn’t do with my mom. I love her so much.And please, love your family. Sila kasi ‘yung nand’yan para sa inyo. Trust me, they love you with all their heart. Mahal na mahal kayo ng parents n’yo.”

Read also

Vince Flores, binahaging nagkaayos na sila ni Toni Fowler matapos ang matinding away

Sa kasalukuyan, patuloy ang dasal at suporta ng publiko para sa mabilis na paggaling ng ina ni Gigi De Lana.

Si Gigi De Lana na unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana ay isang mang-aawit, commercial model, at aktres. Sumikat siya nang sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Naging defending champion siya at kinalaunana ay naging semi-finalist. Kadalasang napapanood ang live gig stream ng kanilang banda na kilala sa pangalang Gigi Vibes.

Matatandaang hindi napigilan ni Gigi na maiyak matapos niyang maikwento ang tungkol sa kanyang pagiging heartbroken. Nakwento niya na nagkaroon sila ng konting tampuhan ng kanyang boyfriend na hindi naman humantong sa paghihiwalay. Gayunpaman, nasaktan umano siya sa sinabi ng kanyang boyfriend na nagbago siya at ayon kay Gigi masakit para sa kanya na siya ang dahilan noon. Ito ay naganap sa launching ng unang single niyang “Sakalam” kasama ang Gigi Vibes Band.

Read also

Toni Fowler, sinabing naghiwalay sila ni Vince Flores: "Ako din, napupuno din ako"

Samantala ibinahagi ni Gigi na sa kanyang tinatamasang tagumpay at kasikatan, bahagi iyon ng pinangarap ng kanyang ina para sa kanya. Kabilang umano sa pangarap ng ina para sa kanya ay maging artista siya at magkaroon ng sariling billboard. Kaya naman, nang masabi niya umano sa ina na nasa isang commercial shoot siya ay binati siya nito. Naibahagi din ng mang-aawit ang pakikipaglaban ng kanyang mahal na ina sa sakit na cancer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel