Vince Flores, binahaging nagkaayos na sila ni Toni Fowler matapos ang matinding away

Vince Flores, binahaging nagkaayos na sila ni Toni Fowler matapos ang matinding away

- Binahagi ni Vince Flores na nagkaroon sila ng matinding away at tampuhan ni Toni Fowler

- Aniya, unang beses pa lang daw ito nangyari sa kanilang relasyon na malayo sila sa isa’t isa ng matagal na oras

- Gayunpaman, aniya ay hindi niya hahayaang maghihiwalay sila at dala lang ng pagbubuntis ni Toni ang matinding emosyon na naging dahilan ng pag-post nito

- Pinili daw na patawarin ni Toni si Vince at magkasama na uil sila at nagkaayos na

Ibinahagi ni Vince Flores ang pagkakaroon nila ng matinding away at tampuhan ni Toni Fowler. Ayon sa kanyang post, ito raw ang unang pagkakataon sa kanilang relasyon na nagkaroon sila ng mahabang panahon na malayo sa isa't isa.

Vince Flores, binahaging nagkaayos na sila ni Toni Fowler matapos ang matinding away
Vince Flores, binahaging nagkaayos na sila ni Toni Fowler matapos ang matinding away
Source: Facebook

Sinabi ni Vince na hindi niya hahayaang maghiwalay sila. Pinunto rin niya na ang pagbubuntis ni Toni ang nagdulot ng malalim na emosyon na nagtulak sa huli na mag-post ng mga saloobin.

Read also

Tito Vince nagpost matapos ang rebelasyon ni Toni Fowler na hiwalay na sila: "Que sera sera"

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nagpasya si Toni na patawarin si Vince, at sa kasalukuyan ay nagkaayos na sila. Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Vince ang kanyang pagmamahal kay Toni at pasasalamat sa lahat ng pamilya at kaibigan na nag-alala at nagbigay ng suporta sa kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel