Tito Vince nagpost matapos ang rebelasyon ni Toni Fowler na hiwalay na sila: "Que sera sera"

Tito Vince nagpost matapos ang rebelasyon ni Toni Fowler na hiwalay na sila: "Que sera sera"

- Usap-usapan sina Toni Fowler at partner nitong si Vince Flores o mas kilala bilang si Tito Vince

- Ito ay matapos banggitin ni Toni Fowler sa kanyang live stream na break daw sila ni Vince

- Nag-post pa si Toni sa social media na kakayanin niya uli dahil kinaya niya nung una at balik daw siya sa pagiging single mom

- Sa post naman ni Tito Vince ay tila nagpahayag siya na mangyayari ang dapat mangyari

Matapos ang rebelasyon ni Toni Fowler sa kanyang live stream kung saan binanggit niyang hiwalay na sila ng kanyang partner na si Vince Flores, o mas kilala bilang si Tito Vince, pinag-usapan ito sa social media.

Tito Vince nagpost matapos ang rebelasyon ni Toni Fowler na hiwalay na sila: "Que sera sera"
Tito Vince nagpost matapos ang rebelasyon ni Toni Fowler na hiwalay na sila: "Que sera sera"
Source: Facebook

Sa isang pag-amin, inihayag ni Toni na nagtapos na ang kanilang relasyon ni Tito Vince. Sinundan pa ito ng isang post sa social media kung saan ibinahagi ni Toni ang kanyang determinasyon na harapin ang bagong yugto ng kanyang buhay bilang isang single mom.

Read also

Kaila Estrada, nagpasalamat sa mga sumuporta kay 'Bettina': "And sorry na rin"

Sa kabilang banda, sa post ni Tito Vince ay tila nagpahiwatig siya ng pagtanggap sa nangyaring hiwalayan. Sa simpleng pahayag na "que sera sera," ipinakita ni Tito Vince ang kanyang pagiging bukas sa mga pangyayari at pagtanggap sa mga bagay na hindi niya kontrolado.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel