Kaila Estrada, nagpasalamat sa mga sumuporta kay 'Bettina': "And sorry na rin"

Kaila Estrada, nagpasalamat sa mga sumuporta kay 'Bettina': "And sorry na rin"

- Pinasalamatan ni Kaila Estrada ang mga sumuporta sa karakter niya sa 'Can't Buy Me Love'

- Lalo na ang mga pumuri sa kanya sa muling pagpapakita niya ng husay sa pag-arte sa episode 147 ng serye

- Matitindi ang naging rebelasyon sa naturang episode kung saan halo-halo ang naging reaksyon ng mga nakapanood

- Gayunpaman, nag-sorry rin si Kaila dahil sa nagawa ng karakter niyang si Bettina Tiu

Pinasalamatan ng aktres na si Kaila Estrada ang mga sumuporta sa kanyang karakter na Bettina Tiu sa papatapos nang serye na Can't Buy Me Love (CBML).

Kaila Estrada, nagpasalamat sa mga sumuporta kay 'Bettina': "And sorry na rin"
Kaila Estrada (Kaila Estrada Facebook)
Source: Facebook

Gumulantang sa marami ang naging rebelasyon ng karakter ni Kaila bilang si Bettina lalo na sa ikalawa sa huling episode ng CBML.

Sa X (na dating Twitter) nagpahayag ng pasasalamat si Kaila.

Matatandaang isa sa mga huling episode ng serye, kapansin-pansing "low battery" si Bettina na tila balisa na kailangang mag-charge.

Read also

Miles Ocampo, binahagi ang pictures na kuha sa kanyang birthday salubong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ito pala ay upang matimbrehan ang kanyang "Tito Gilbert" na ginagampanan naman ni Cris Villanueva.

Sa husay ni Kaila, trending umano ang kanyang pangalan gayundin ang kanyang karakter na si Bettina.

Naging usap-usapan din ang isyung inihayag ng kanyang karakter, dahilan upang ang ilan ay nais pa ring yakapin si 'Bettina' sa halip na ito ay tuluyang kamuhian.

Si Kaila Estrada ay isa sa mga maituturing na rising stars ng kanyang henerasyon. Anak siya ng mga kilalang artista na sina Janice De Belen at John Estrada.

Kamakailan lamang, agaw-pansin ang eksena ni Kaila sa teleseryeng Linlang kung saan kasama niya si Kim Chiu. Marami ang pumuri sa kanyang husay sa pag-arte kaya naman hindi nakapagtatakang napapanood din siya sa isa pang serye ng ABS-CBN, ang "Can't Buy Me Love" na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Read also

Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”

Sa panayam sa kanya Bernadette Sembrano, hindi napigilang maging emosyonal ni Kaila matapos na mabanggit ang tungkol sa kanilang amang si John Estrada. Aniya, matagal na nilang ninais ang klase ng relasyon meron sila ngayon sa ama. Pinasalamatan din niya ang ama sa umano'y effort na ginawa nito upang mapalapit muli sa kanilang magkakapatid. Dahil dito, nasabi ni Kaila na okay na ang lahat sa ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel