Cristy at mga host ng SNN, nag-alala kay Boobay: "Hindi nabibili ang buhay"
- Nag-alala sina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa sinapit ni Boobay kamakailan
- Tulad din ng malasakit ng iba sa komedyante, pinayuhan nila ito na magpahinga at bawasan ang proyektong tinatanggap
- Naikwento rin nila ang umano'y halaga ng dating nobyo at ngayo'y kaibigan na ni Boobay na malaki ang naging bahagi sa tila ikalawang buhay niya ngayon
- Matatandaang naisa-ere ang aktwal na pag-hang ni Boobay habang siya ay kapanayam ni Boy Abunda
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isa sina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa labis na nag-alala para sa komedyante si Boobay.
Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na mag-hang ito kamakailan sa programang Fast Talk with Boy Abunda
Matatandaang naisa-ere ang aktwal na pagtigil ni Boobay na hindi agad nasagot ang tanong sa kanya ni Boy.
Mabuti na lamang at alerto rin ang kanyang Tito Boy na agad siyang tinanong ng 'Are you okay?' at nang hindi na ito nakasalita, nilapitan at niyakap na nito si Boobay.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bagama't mabilis na naging okay na rin ang komedyante, marami pa rin ang taong nag-alala lalo na at hind pala ito ang unang beses na nangyari ito sa kanya.
Isa na rito si Romel Chika na malapit kay Boobay. Agad daw niya itong pinadalhan ng mensahe nang malaman ang nangyari at pinayuhan na magpahinga.
Maging si Cristy Fermin ay nag-iwan ng pangaral kay Boobay na sana raw ay makinig sa katawan kung kaya pa ang trabahong tinatanggap nito.
"Palampasin mo Boobay ang mga proyekto kung sa palagay mo hindi na kaya ng kapasidad ng katawan mo. Makinig tayo sa ating katawan. Ang katawan po natin ang magsasabi sa atin kung ano pa ang hindi na natin kaya at kaya pa," ani Cristy.
Naikwento rin nila ang malaking bahagi na nagawa ng ex-boyfriend at kaibigan na ngayon ni Boobay na si Kent na nakapagbigay umano agad ng paunang lunas sa komedyante nang una itong ma-stroke noong 2016.
"Sabi nga niya kung hindi lang naagapan, biruin mo kung ordinaryong tao lang ang kasama ni Boobay nung inatake siya nun, di alam ang gagawin"
"Ano pa ba ang kailangan niya kung ang nakasangkalan na ay ang kanyang kalusugan," ayon pa kay Cristy.
Tulad ng marami, hiling nilang isaalang-alang ni Boobay ang pagpapahinga lalong-lalo na at marami ang nagmamalasakit at kumakalinga sa kanya.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:
Si Norman Balbuena o mas kilala bilang si 'Boobay' ay isang komedyante, television host, at performer. Naging regular host din siya ng programang, “Celebrity Bluff”gayundin ng programa nila ni Super Tekla ang The Boobay and Tekla Show.
Maaalalang isa si Marian Rivera sa mga tumulong kay Boobay nang ma-stroke ito noong 2016. At nang pinasalamatan niya si Marian Rivera, talagang naiyak si Boobay dahil naniniwala siyang wala na sana siya ngayon kung hindi sa labis na pagmamalasakit sa kanya ng Kapuso actress.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh