Gladys Reyes, emosyonal nang maikwento ang bunsong kapatid na may special needs

Gladys Reyes, emosyonal nang maikwento ang bunsong kapatid na may special needs

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Gladys Reyes nang maikwento ang tungkol sa kapatid na may special needs

- Aniya, malapit sa kanya ang 41-anyos na kapatid na may autism at madalas na naroon sa kanyang bahay

- Ito rin umano ang pinaghuhugutan niya ng emosyon sa mga eksena niya sa pag-aartista dahil ganoon niya kamahal ang kanilang bunsong kapatid

- Isa si Gladys sa naging panauhin ng Bawal Judgmental ng Eat Bulaga kasama ang ilan pang mga artistang may kakaibang kondisyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal si Galdys Reyes nang maikwento ang tungkol sa bunsong kapatid na si PJ na mayroong autism.

Gladys Reyes, emosyonal nang maikwento ang bunsong kapatid na may special needs
Gladys Reyes (@iamgladysreyes)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na 41-anyos na si PJ na malapit sa kanyang ate Gladys. Katunayan, kilala ito ng mga malalapit na tao sa pamilya ni Gladys dahil kailanma'y hindi nila ito ipinagkakaila.

Read also

Tito Sotto, sinabing 'di umano sumahod si Vic sa Eat Bulaga ngunit tuloy ang bayad ng buwis

Katunayan, isa sa mga huling bulong ni Gladys sa kanyang namayapang ama ay ang tungkol sa pag-aalaga kay PJ upang hindi na nito alalahanin.

"Si PJ kasi isa sa hugot ko 'yan 'pag may ano kami, may eksena. Kasi lagi kong naiisip na'wag naman sanang mauna kami kasi ang hirap 'di ba?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Alam ni Gladys na labis na mahihirapan ang kapatid kung mangyari man ito kaya naman hangga't kaya niya, ibinubuhos niya ang lahat ng pagmamahal at pagmamalasakit kay PJ.

"Hindi lahat maiintindihan siya e. Hindi lahat makakaunawa sa kalagayan nila. Minsan nga pamilya mo na, mauubos pa rin ang pasensya sa'yo. Ano pa kaya 'yung ibang tao."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Eat Bulaga Bawal Judgmental kung saan nakasama niya ang mga kapwa niya artistang panauhin kung saan mayroon ding mahal sa buhay na mayroong special needs.

Read also

Gardo Versoza, nagbiro matapos ang paglabas ng fake news na pumanaw na siya

Si Gladys Reyes ay isasa mga kilalang Filipina actress. Una siyang nakilala sa karakter na 'Clara' na teleserye nila ni Judy Ann Santos noong 90's. Doon din niya nakilala at nakasama ang kanya na ngayong mister na si Christopher Roxas. Nabiyayaan sila ng apat na mga anak.

Sa unang naiulat ng KAMI, Nagbahagi pa rin siya ng ilang mga netizens ang kanilang tips para sa lasting relationship.

Masasabing tunay na nakaka-inspire ang kanilang love story dahil sa kabila ng mga showbiz couples na naghihiwalay, sina Gladys at Christopher ay nananatiling matatag sa mga pagsubok ng kanilang pagsasama.

Sa ngayon, abala pa rin sila negosyo habang si Gladys naman ay may dalawang pelikula sa Summer MMFF 2023, ang 'Apag' at 'Here comes the groom.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel