Gardo Versoza, nagbiro matapos ang paglabas ng fake news na pumanaw na siya

Gardo Versoza, nagbiro matapos ang paglabas ng fake news na pumanaw na siya

- Idinaan na lamang ni Gardo Versoza sa biro ang kanyang reaksiyon sa pagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya

- Sa kanyang Instagram post, binahagi niya ang litrato niya na nagbebelat habang sumisilip mula sa loob ng kabaong

- Matatandaang naibahagi niyang nakatakda siyang sumailalim sa isa pang angioplasty procedure ngayong buwan ng Mayo

- Marami naman sa kanyang mga followers na lalo daw hahaba ang buhay ng aktor dahil sa mga pagpapakalat ng fake news na ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Gardo Versoza ng picture niya na nakahiga siya sa loob ng kabaong habang naka-belat. Ito ang kanyang reaksiyon sa fake news na umano'y pumanaw na siya.

Gardo Versoza, nagbiro matapos ang paglabas ng fake news na pumanaw na siya
Gardo Versoza, nagbiro matapos ang paglabas ng fake news na pumanaw na siya (@gardo_versoza)
Source: Instagram

Matatandaang sa naunang panayam ni Julius Babao sa kanya, naibahagi ni Gardo na sumailalim siya ng angioplasty na naging matagumpay naman. Gayunpaman, hindi pa tapos ang kanyang pagpapagaling lalo at sasailalim pa siyang muli sa isa pang angioplasty ngayong buwan ng Mayo.

Read also

Gardo Versoza, pinayagan nang mag-TikTok: "Pero 'wag po muna mag-high heels"

Marami naman sa kanyang mga followers ang nagsabi na lalo daw hahaba ang buhay ng aktor dahil sa mga pagpapakalat ng fake news na ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mas lalong hahaba pa ang buhay mo cupcake
Hahaba pa ang buhay mo. sa mga walang macontent lahat gagawin kumita lang.
Stray strong. Praying for you po and your family

Si Mennen Torres Polintan o mas kilala sa kanyang screen name na Gardo Versoza ay isang kilalang sikat na aktor na naging bahagi ng mga pelikula at mga TV shows. Siya ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay Sabik Sa Halik, Machete II, Halimuyak Ng Babae at Kirot.

Matatandaang naisugod sa ospital si Gardo dahil sa atake sa puso at nalampasan naman niya ang naturang pagsubok. Naibahagi ng kanyang asawa ang picture na kuha sa ospital matapos niyang makarekober sa atake at nagpapagaling. Nagpasalamat si Gardo sa kanyang asawa, sa Panginoon at sa mga doktor na tumulong sa kanya.

Read also

Gigi De Lana, narecover na ang na-hack niyang Facebook at Instagram account

Matapos nga niyang ma-ospital at maadmit sa ICU dahil sa atake sa puso, naibahagi ng kanyang maybahay na si Ivy Vicencio na nakalabas na sa ospital si Gardo. Gayunpaman, may gagawin pang angioplasty sa kanyang mister sa susunod na dalawang buwan. Sa post ni Ivy, makikita ang pagdalaw ni Gardo sa isang simbahan para magsimba. Nakasakay pa rin ito sa kanyang wheelchair.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel