Cristy, cyberlibel ang nakaabang sa ama ni Liza Soberano kung 'di ito mag-public apology

Cristy, cyberlibel ang nakaabang sa ama ni Liza Soberano kung 'di ito mag-public apology

- Ibinahagi ni Cristy Fermin ang kanyang aksyon sa buradong post ng ama ni Liza Soberano tungkol sa kanila ni Ogie Diaz

- Naibigay na umano ng kanyang abogado ang demand letter nito sa ama ni Liza

- Kung hindi umano ito mag-public apology sa loob ng limang araw, mauuwi umano ang aksyon sa cyber-libel case

- Matatandaang naibahagi rin ni Ogie Diaz sa kanyang channel ang tungkol sa post ng ama ni Liza kung saan nasabihan sila nito ng masasakit na salita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Idinetalye ni Cristy Fermin ang umano'y aksyon na kanyang ginawa sa buradong post ng ama ni Liza Soberano na si John Soberano tungkol sa kanila ni Ogie Diaz.

Cristy, cyberlibel ang nakaabang sa ama ni Liza Soberano kung 'di ito mag-public apology
John Soberano and Liza Soberano (John C. Sober)
Source: Facebook

Matatandaang naibahagi na rin ni Ogie sa kanyang YouTube channel ang tungkol sa post na ito ni John na agad binura sa loob ng pitong minuto.

Read also

Ina ni Kathryn Bernardo, pinabulaanang lilipat ng network ang anak

Sa naturang post, namura di umano ni John si Ogie at maging si Cristy Fermin.

Hindi ito pinalampas ni Cristy na aniya, nararapat lamang na turuan ng leksyon ang umano'y nakalilimot sa mabuting asal.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kahapon ay personal na kaming nagkita ng aking abogado, si Atty. Ferdie Topacio at personal nang inihain sa kanya ang demmand letter na kailangan niyang bawiin ang kanyang mga ipinost sa loob ng limang araw na ibinibigay sa kanya. Kapag hindi niya yun binawi at kami ay ginamot kung saan niya kami sinaktan, tuloy ang cyber-libel. Kailangang binibigyan ng leksyon ang mga taong nakalilimot sa kagandahang asal," giit ni Cristy.

Nasabi rin niya ang naisip na rason ng pagpost na ito ng ama ni Liza.

"Kung ang kwestyon niya at ikinagagalit sa akin ay ang pagtawag ko ng walang utang na loob kay Liza Soberano, ako ay umaayon lamang sa ginawa ng kanyang anak."

Read also

Miles Ocampo, pinagpawisan matapos kantiyawan ng kasamahan sa usaping pakikipagbalikan

"Paano ko tatawagin na marunong tumanaw ng utang na loob ang isang personalidad na pagkatapos tulungan at ipaglabaan ipakipagpatayan ni Ogie Diaz ay bigla na lang tumalikod ay mayroon pang mga sinasabing hindi kagandahan"
"At paano ko rin tatawagin na matanaw ng utang na loob ang kanyang anak na si Liza na pagkatapos bigayan ng ABS-CBN ng katuparan ang kanyang pangarap na makilala, maging popular at sumikat in fairness, marami pa rin siyang sinasabi sa ABS-CBN."

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Cristy mula sa bagong episode ng kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!

Si Liza Soberano na ngayo'y tinatawag din bilang si Hope Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Read also

Cristy Fermin kay Paolo Contis: "Ikaw ang nagbukas ng pintuan para ikaw ay i-bash"

Kamakailan, gumawa ng ingay ang ama ni Liza nang ibahagi ni Ogie ang post nito kung saan natapos siyang murahin, sinabihan pa umano siyang bumalik na lamang sa pagtitinda ng turon. Ito ay sa panahong mainit ang pagputok ng kumpirmasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng kanilang hiwalayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel