Nash Aguas, binahagi ang video nila ni Mika noong maliliit pa sila

Nash Aguas, binahagi ang video nila ni Mika noong maliliit pa sila

- Nag-post si Nash Aguas ng pictures at video nila ni Mika dela Cruz matapos ang kanilang kasal nitong Sabado

- Kabilang sa kanyang post ay ang video ng kulitan nila ni Mika noong mga bata pa lamang sila

- Naroroon din ang isang pasilip sa bahagi ng kanilang paghahanda para sa kanilang kasal

- Kalakip ng kanyang post ay binahagi ni Nash ang Bible verse tungkol sa pagkakatupad ng kalooban ng Diyos sa tamang panahon

Nag-post si Nash Aguas ng mga larawan at video nila ni Mika dela Cruz matapos ang kanilang kasal nitong Sabado. Kabilang sa kanyang post ay ang isang video na nagpapakita ng kulitan nila ni Mika noong mga bata pa lamang sila.

Nash Aguas, binahagi ang video nila ni Mika noong maliliit pa sila
Nash Aguas, binahagi ang video nila ni Mika noong maliliit pa sila
Source: Instagram

Naroroon din sa kanyang post ang ilang mga pasilip sa bahagi ng kanilang paghahanda para sa kasal. Makikita dito ang bahagi ng kanilang naging paghahanda para sa kanilang pag-iisang dibdib.

Read also

Angelika dela Cruz, natawa sa meme tungkol sa kasal nina Nash at Mika

Kalakip ng kanyang post ay isang Bible verse na naglalaman ng mensahe tungkol sa pagkakatupad ng kalooban ng Diyos sa tamang panahon. Ayon kay Nash, "Yet God has made everything beautiful for its own time.”"

Ang post na ito ni Nash ay nagpakilig at nagbigay inspirasyon sa kanilang mga tagahanga na sumusubaybay sa kanilang love story mula pa noong kanilang kabataan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naging bahagi ng showbiz si Nash sa kanyang edad na limang taong gulang sa noontime variety show MTB, matapos niya sumali sa paligsahan sa Batang F4 ng programa. Noong 2004, sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest, kung saan nanalo siya ng titulong "Grand Kid Questor". Kilala siya bilang mainstay sa Sunday comedy gag show na Goin 'Bulilit.

Matatandaang ibinahagi nina Nash at Mika ang kanilang reaksiyon habang pinapanood ang mga lumang videos nila. Ang mga videos na ito ay kuha noong maliliit pa sila at magkasama sa show na 'Goin' Bulilit.' Hindi napigilang matawa ng mga ito nang muling makita ang kanilang kakulitan bilang mga bulilit. Marami naman ang kinilig dahil kahit noong bata pa lang sila ay makikita na ang kanilang pagiging malapit sa isa't-isa.

Samantala, pinabulaanan ng ina ni Mika ang bali-balitang nagdadalantao umano si Mika. Kasunod ito ng paglabas ng picture nina Mika at Nash kamakailan na kuha sa kasal ng kapatid ni Mika. Ayon sa ina ni Mika walang katotohanan iyon at matagal na itong pang-iintrigang ito sa kanyang anak. Aniya, kung totoo ito ay dapat nanganak na si Mika dahil sa hindi pa rin natitigil na isyung ito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel